Chapter 43: I'm no longer Ice

96 9 0
                                    

A/N: Let me give this Chap to Orville.

Chapter 43:
I'm no longer Ice

ORVILLE

"If my heart stop from beating.. code: ICE."

"If my heart stop from beating.. code: ICE."

"If my heart stop from beating.. code: ICE."

"If my heart stop from beating.. code: ICE."

"If my heart stop from beating.. code: ICE."

Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang binitawang salita ni Ice.

I keep on thinking, what does she mean by that? Isa ba iyong riddle na kailangan kong sagutan? Para mapatumba ang Autotrophs?

Maraming nagbago kay Ice. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagbabago sa kanya ngunit alam kong nagbago siya.

She cares about everyone.. I knew that. Hindi para sa wala lang ang mala-anghel niyang mukha. She's an angel pretending to be a devil. To protect herself from the monster, nagbalat-kayo siya upang protektahan ang sarili.

She's a strong girl. Alam ko na iyon simula pa noong una. She's not an ordinary girl. She's brave.. She can face death for so many times and end up alive. She's very unique. I like her. Kahit mali.

Alam kong siya si Blue Rose.. Alam kong mali na pinagkakatiwalaan niya ako. I want to be true to her pero hindi maaari.. hindi ko maaaring ibunyag sa kanya ang lihim ko.. ang lihim namin ni Sir Harris. Na matagal na siyang busted. Pinag-aaralan ni Sir Harris ang kilos niya bilang si Blue Rose. Ngunit sa pagdaan ng panahon, nalilito na rin si Sir Harris kung ano nga bang pakay ni Izen. She's maybe a spy. Ngunit ilang beses na silang nagkasama ni Ate Desire, hindi naman ito napahamak.

Habang tumatagal, napapansin kong nasa panig ng Solar si Ice. Ngunit nakakalito rin minsan ang kanyang mga kinikilos.

Tumira siya sa bahay ng kanyang ama na si Trevor.. We know that he's an Autotrophs.. one of the Higher ups. Kaya hindi namin mapakawalan si Ice. Kalaban pa rin ang turing sa kanya ni Sir Harris.

Now, Ice was busted.

Isa lang ang kailangan niyang gawin, ang tulungan kaming makapasok sa Torch Base.. pero di niya magawang sabihin kung paano.

She said, she wanted to protect her family, kaya hindi niya sasabihin. Wala siyang dapat protektahang pamilya dahil alam naman na namin na myembro ng Autotrophs ang kanyang ama.. if she's pertaining to Tita Cherry, surely we can do something about it.

"Ice, huling beses ko na itong itatanong sayo.. Paano kami makakapasok sa Base?" Muli kong tanong ngunit pareho lamang ang nakuha kong sagot mula sa kanya..

"If my heart stop from beating, code: ICE."

napahilot na lamang ako sa aking sintido.

"Why is she keep on saying that word, Code: ICE?"

Rinig ko iyon mula sa device sa aking tenga. Boses iyon ni Kuya Anteros.

"Orville, that's enough. Pumunta ka muna rito." Utos sa akin ni Sir Harris mula sa kabilang linya.

Nakipagtitigan muna ako kay Ice ng ilang saglit. Tila linulunod ako sa malalim na karagatan habang nakatitig sa kanyang mga mata. Hindi rin nakakatulong ang ngiti niya sa akin.

Ano ba talaga ang laman ng isipan ng isang Izen Caramel Edison? She's too deep..

"I saw my self in a mirror."

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon