Chapter 29: Disney Princesses

80 9 0
                                    

Chapter 29:
Disney Princesses

ORVILLE

Biglang nawalan ng ilaw ang buong bulwagan. May mga narinig akong sigaw mula sa mga kababaihan kaya agad kong hinanap si Ice na nasa harap ko lamang kanina.

"Orv--"

Boses iyon no Izen na alam kong na sa harap ko lang ngunit natigil iyon at narinig ko ang pagpiglas niya na tila may humablot sa kanya.

Rinig na rinig ko ang tunog ng takong ni Ice sa sahig at lumalayo ito sa akin. Sinubukan kong sundan ang tunog upang habulin ang kung sino mang kumuha sa kanya. May nabunggo ako dahil hindi ko makita ang dinadaanan ko sa sobrang dilim.

"Ice!" I shouted pero sigurado akong lalaki ang nakabunggo ko at hindi si Ice. Napahawak ako sa arnis ko na nakatago lamang sa aking coat.

"Prinsesa!" Sigaw naman ng nasa katabi ko.

Ugh! Ito yung asungot na driver ni Ice! Lagi siyang tinatawag na prinsesa.

May kalampag kaming narinig sa paligid at kasabay noon ay isang napakalakas na sigaw.

"ORVILLE!!"

Si Ice 'yon! Tinatawag niya ako! Hinanap ko kung saan nanggaling ang sigaw ngunit sobrang dilim talaga ng paligid.

Pareho naming hinanap si Ice ng katabi ko. May nakita akong maliit na ilaw na kilay asul mula sa isang sulok ngunit hindi ko maaninag kung ano yun. Bigla rin iyong nawala na tila tumagos sa dingding.

Ilang saglit lang ay muling nanumbalik ang liwanag.

Everyone is in panic. Maraming sumisigaw ng pangalan.

"Carmela! Heart!" Narinig kong sigaw ni Arthen na nasa malapit ko lamang din pala. Sinusuyod niya ang buong bulwagan at hinahanap ang anak ni Sir at ang babaeng kasama niya.

"Ice!" Sigaw ko ulit baka sakaling marinig ko ulit ang sigaw ni Ice ngunit wala. Nawala siya ng parang bula.

"Prinsesa!" Sigaw na naman ng lalaki sa tabi ko. Tss. Asungot talaga. Gusto ko 'tong upakan. Kung hindi lang siya humarang sa dinadaanan ko'y maaaring naabot ko pa si Ice kanina.

Yumuko si Arthen sa sahig at may pinulot siya doon.

Isang korona na kulay ginto..

Na sa ulo iyon ng kasama niya kanina! Ano nga bang pangalan n'on? Right! Si Heart!

Linibot ko rin ang paningin ko sa paligid lalo na sa sahig. Nanlambot ako ng makita ko ang sapatos na suot ni Ice kanina.

Isang stiletto na halos magmukha ng gawa sa salamin dahil puno ito ng mga batong kumikinang. Agad ko iyong kinuha. Maaaring natanggal ito ng may humablot sa kanya.

"Orville.." May tumawag sa akin kaya binalingan ko ito. Si Sir Harris pala. May hawak naman siyang mansanas na may isang kagat.

"Nawawala si Carmela." Wika niya.

Napabuntong hininga ako at hinanap ko agad ang mga Edison na may-ari ng Museum na ito.

Nakita ko ang ama ni Ice kasama si Tita Cherry. Mukha silang nagtatalo samantalang ang isa pang Edison, ang ama ni Laynah naman ay may kinakausap na mga personnel.

"Si Izen rin po, Sir." Wika ko't tumayo na. Lumapit na rin sa amin si Arthen at dala-dala niya ang korona.

Hinanap ng mata ko ang lalaking nakabangga ko kanina at nakita ko siyang naglalakad papalapit sa Papa ni Ice. Tita Cherry on the other hand was so mad. Umalis siya sa tabi ng kanyang asawa't nahanap niya agad ang mata ko. Dumeretso siya papalapit sa akin and I saw how her eyes twinkled because of the pooling tears.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon