Chapter 10:
MasterIZEN CARAMEL
"ICE"A week has passed. Kung tatanungin ako sa kung ano man ang pinagbago ng noon at ngayon, iyon ay noon.. Mag-isa lamang akong kumakain sa canteen, ngayon ay apat na kami.
Should I say, I have now usual spotmates?
Tahimik lang akong kumakain habang ang tawa ng tatlo ay maririnig sa buong canteen.
Nakaupo si Laynah sa harap ko. Noong una kaming magkita, sobrang nanginginig siya. The second time, she was always on a hot seat. Pero ngayon, super close niya na sa dalawa.
Sa aking kanan, nakaupo naman si Orville. He's the only guy in the group pero mukhang hindi naman niya iyon alintana. I can't say that he's a gay. Siguro ay mas malapit lang siya sa babae kaysa sa lalaki. And I can't forget the fact that he's famous to girls.
Sa akin namang kaliwa, sa mismong harap ni Orville, here comes the little girl. Hindi lang ata siya kinulang sa cheerifer, pati ata turnilyo sa utak ay kulang rin. She keep on calling me, Mommy Ice-Ice. Like seriously? Hindi niya ako nanay.
"Hey guys, alam niyo ba.. Napansin kong dumami ang gwardya sa school natin." Pabulong na balita ni Asy.
Napukaw niya ang atensyon naming lahat.
"Pansin ko rin. Tingin niyo, may kinalaman ito sa pagkamatay ni Sir Breguela?" Tanong naman ni Laynah.
Tama si Laynah. May kinalaman nga siguro 'yon sa pagkamatay ni Sir Breguela.
Naalala ko tuloy ang usapan ng mag-amang Harris.
I will lead the move, this time.
Kung gayon ay ito ba ang sinasabi ni Chairman na move niya? Pero tingin ko ay hindi. Sa loob ng isang linggo, natahimik ang Autotrophs. Nakakapanibago. Kahit sa labas ng campus ay wala ring mga kaganapan na mula sa Autotrophs.
"Probably." Sang-ayon ni Orville.
"Mas mabuti na 'yong maraming guards para ligtas tayong lahat. Di pa rin nahuhuli ang gumawa n'on kay Sir di ba?" Si Asy.
I am certain na Autotrophs ang may gawa n'on pero sino ang taong iyon?
Sobrang dami ng tao sa Ertha. Libo-libo ang estudyante, madami rin ang mga guro, mga staff, at mga gwardya. Hindi natin malalaman kung sino ang kalaban at sino ang hindi.
"Laynah."
Agad silang napalingon sa akin.
"'Yong cellphone mo, nahanap mo na ba?"
Napailing siya sakin.
Napabuntong hininga na lang ako. Iyon lang ang tanging anggulo na makakaturo sa kung sino ang may gawa non kay Sir.
"Bibili lang ako ng maiinom." Paalam ko na lang sa kanila at agad na tumayo.
"Kahit na minsan lang magsalita si Mommy Ice-Ice, di pa rin napapanis laway niya 'no?" Napailing na lang ako sa sinabi ng bubwit. Ako talaga lagi niyang pinagtitripan.
Malapit na sana ako sa counter pero nahagip ng mata ko ang isang sulok sa canteen.
Nagulat ako sa nakita dahil ito ang unang pagkakataon na nagparamdam siya sa akin.
Sa dingding ay may simbolo ng apoy at tatsulok sa ibabaw. Agad kong naintindihan ang nakasulat kaya imbes na sa counter ako dumeretso, dali-dali akong tumakbo palabas ng canteen.
"Tatsulok.. Tatsulok.. At apoy.." Nataranta ako, sa unang pagkakataon. Bakit kasi dito? Bakit dito sa Ertha pa?
Nakakahingal man ay tumakbo ako sa hagdan papunta sa roof top.
BINABASA MO ANG
Code: ICE (Code Series #1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...