Chapter 33: Poison

73 7 0
                                    

Chapter 33:
Poison

IZEN CARAMEL

Dilat na dilat ako lalo na't sobrang lapit ng mukha ni Orville..

He swayed me on the side para mabalanse kami't huwag matumba..

0..

Halos maduling ako sa lapit ng mga mukha namin. Magkadikit na ang tungki ng maming ilong at ramdam na ramdam ko rin ang hininga ni Orville sa labi ko.

Sobrang bilis ng puso ko.. I don't know if it's because of exhaustion, or the adrenaline rush, o dahil sa lapit ng mukha namin.

But I knew.. there's something wrong..

Because when the timer stop at zero, I heard a muscle being ripped.

"Orville.." 'yon lamang ang tanging naibulalas ko. Pareho kaming nanginginig na dalawa. Seryoso lamang ang kanyang mga mata habang ako'y kumunot ang noo.

Nasa likod ko ang isa niyang kamay habang na sa bewang naman ang isa. Me on the other hand, nasa dibdib niya ang mga palad ko.

Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko't pinulupot sa kanyang leeg. Ngunit hindi ko doon itinigil ang mga kamay ko't ibinaba ko sa kanyang likod..

And there..

Nakapa ko iyon..

Sa likod ng kanyang kaliwang balikat, may nakatarak ma bubog..

"Y-You're.." nanginginig ang boses ko ng sabihin ko 'yon ngunit di ko rin natapos dahil umalingawngaw ang mga putok ng baril sa paligid.

"Ice! Orville! Dapa!" Boses 'yon ni Mama at kasabay din n'on ay nakita ko ang pagtutok ng baril sa amin ng may pakana ng laro. The game ends.. we won.. But losers are losers and they don't accept defeat.

Gamit ang natitira ko pang lakas, agad kong iniba ang pwesto namin ni Orville. Pinatumba ko siya sa sahig habang ako naman sa ibabaw.

Kasabay noon ay isang putok ng baril.

Pumikit na lamang ako. Dahil sa posisyon namin, ako ang matatamaan. Ngunit wala.. walang bala ang bumaon sa akin kaya agad akong napa-angat ng tingin sa kinaroroonan ng baliw.

To my surprise, tinatanggal niya ang kanyang Maskara na gawa sa bakal. May nakabaon kasi roon na bala sa mismong parteng gitna ng noo sana niya.

"Damn, Dion. You almost blow up my brain!" Tila natuwa pa siya sa sitwasyon niya.

Bumaling naman ako sa kabilang stage kung saan naroon si Sir Harris at sila Mama. Nakatutok pa rin ang baril ni Sir Harris sa Psycho at wala man lang emosyon ang makikita doon. Uh.. Alam ko na kung saan nagmana ang mukha ni Desire tuwing serious mode ito.

Napansin kong wala na si Trevor at ang kapatid niya doon. Si Sir Harris na lamang ang natira at si Mama.

Nagulat ako ng bigla akong pinagulong ni Orville and this time, siya naman ang na sa ibabaw. Narinig ko na lamang ay ang pagbasag ng mga salamin sa paligid namin. May putok ng baril ang umaalingawngaw sa buong paligid.

Maraming sigaw akong naririnig, mga pagbasag ng salamin..

Ilang saglit pa'y tumayo na si Orville at sinipa niya ng napakalakas ang isang dingding na gawa sa salamin. Tulad ng ginawa ko ay gumawa siya ng butas para makalabas kami. Nagmamadali siyang bumalik sa kinaroonan ko lalo na't di ko na magawang tumayo. Nararamdaman ko na ang panghihina ng katawan ko. Binalingan ko saglit ang baliw na may pakana ng lahat ngunit wala na siya sa kanyang pwesto. Sir Dion Harris too is no longer on his spot a while ago.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon