Chapter 30: Cinderella's Point of View

80 6 0
                                    

Chapter 30:
Cinderella's Point of View

IZEN CARAMEL

"Gotcha, Ice!"

Agad kong naitago ang librong binabasa ko sa aking likod. Tinaasan ako ng kilay ni Mama.

"You don't have to hide it, sweety. I saw it already." She said then giggled.

Hindi ko naman siya sinunod at nagkunwaring di alam ang kanyang sinasabi.

"Hiding what? Wala akong tinatago, Mama." Wika ko't nagmaang-maangan.

Mas lalo lamang siyang napangisi sabay lapit sa akin.

"Don't come near me, Mama! Don't!" Agad kong panic. Mas lalo lamang ngumisi si Mama. Sa kanyang paglapit, agad niya akong kiniliti kaya nagpupumiglas ako.

"Ma! Stop! Stop it!" 'yon na lang nasabi ko. I hate this! Ayaw ko ng kinikiliti ako. It seems like some button on my body are pressed and let me do something I don't want.. to laugh.

"What are you hiding, Ice cream? What is it? Let Mama know.." she said in a tone of singing.

Natawa ako not because I wanna laugh. Mama pressed something on my body! Ugh!

"Mama! Mama! Stop! Alright! Alright! Hindi ko na itatago!"

Tumigil si Mama sabay lahad ng palad niya sa harap ko.

My eyes were teary dahil sa labis na tawa.

"Want some bed time story?" Aniya.

Nahihiya man, ibinigay ko sa kanya ang librong binabasa ko kanina..

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Mama.

"Cinderella.." basa niya sa title ng kwento. "Once upon a time.."

Napasinghap ako't napadilat ng aking mata. Why does my dream like that? It was a long time ago. Sobrang bata ko pa. Too young and innocent to be interested with fairy tales and Once upon a time.

Napahaplos ako sa batok ko lalo na ng maramdaman kong matigas ang aking hinihigaan. Agad akong napabalingkwas ng mapansing wala ako sa kwarto ko.

I'm in a dark place at malamig ang paligid. Naaninag ko pa naman kung na saan ako kaya napapansin kong maliit lamang na espasyo ng lugar na ito.

Napahilot ako ng sintido at inalala kung anong nangyari kanina..

Right! Someone grabbed me when the lights was off.

Napatampal ako ng noo. Naalala ko ang pagsigaw ko kanina. Why did I shout his name?

"ORVILLE!"

Iwinaglit ko sa isip ko ang pagsigaw ko kanina. Ugh.

Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang paligid. I think, I know where I am now. Damn. This is so not good. Napahawak ako sa kwintas na suot ko. This thing glowed a while ago. That means, Desire is in danger. Crap.

I look at my foot.. Someone really took off one of my heels. Kainis.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Kailangan kong makaisip ng paraan para makalabas dito. I tapped my ear phone, para sana makontak ang security ngunit wala akong marinig kahit sino sa kabilang linya.

Inikot ko na lang muli ang paningin ko. If I remember it correctly, may isang glass walls ang kwartong ito. Hinanap ko ang glass walls. May itim na kurtina ang nakatakip sa glass walls mula sa labas. Kaya medyo madilim rito.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon