Chapter 23: Campus Celebrity

103 8 0
                                    

Chapter 23:
Campus Celebrity

IZEN CARAMEL

"Napalinisan ko na ang kwarto mo, Izen." Wika ni Trevor pagkarating na pagkarating ko pa lamang sa tanggapan ng mansion.

I'm here not because I obeyed his order na dito ako tumira. Nandito ako because I can feel that Mama really need that time to be alone to finish what is undone.

Hindi ko pa rin alam kung sinong siya ang hinaganap ni Mama but in time, I will find it out. Siguro, hindi pa ngayon.. hindi pa rin ako handa para malaman kung ano mang mga sekreto ang meron si Mama.

Tingin ko kasi, masasaktan ako. Kasi kung hindi naman ako masasaktan ay bakit niya pa kailangang itago hindi ba?

I don't have to pack my bags sa bahay dahil tulad ng sinabi ko noon, sa mansion na ito ay may nakalaan naman talagang kwarto para sa akin at hindi lang kwarto, pati na mga gamit.

"Here's your phone." Inilahad sa akin ni Trevor ang isang box na may tatak pang mansanas na may kagat.

"Seriously, Papa.. why are you doing this?" I asked pagkatanggap na pagkatanggap ko ng cellphone na ibinibigay niya.

"How many times do I have to answer that question, Izen?"

Nagkibit-balikat ako.

"I can't help but to asked too. It's too unusual." I honestly answer.

Bumuntong hininga si Trevor. Para siyang demonyo na naputulan ng sungay dahil sa kanyang mga inaasal.

"Don't answer me with the answer you already said, Papa. Hindi ako naniniwala that you just want me na hindi mapang-iwanan or mapabayaan. We both know kung bakit nalalagay sa panganib ang aking buhay and why Mama don't know what is happening to me." I answered as a matter of fact.

Umupo si Trevor sa isang couch na parang ipinapamukha sa akin na siya ang may dugong bughaw sa mansyon na ito.

"Well.. totoo naman na ayaw ko lamang na mapabayaan ka, Izen. You have to heal fast dahil malapit na ang anniversary ng Museum, kung iyong natatandaan. Alam mo kung ano ang ginagawa natin annually. So, you'll be healed kung dito ka." He answered honestly.

Sabi ko na nga ba. Buti na lamang at hindi ako nagpadala sa mga sinabi niya kanina sa Ospital.

"Because I'm a father who wants his child not to be left behind."

A father? Kailan pa ba siya naging ama sa akin? Tss.

Ngumisi ako.

"As expected from you.. Papa." Diniinan ko pa talaga ang pagtawag ko sa kanya.

"Don't worry, I'll recovered fast. Hindi ko pa naman gusto sa lugar na 'to kaya maslalo itong mapapadali. I'll go upstairs.." wika ko na lamang habang nakangisi. Tss.

Tataas na sana ako ng hagdan ngunit na tigil ng may gwardyang humawak sa aking likod na agad ko namang tinuhod ang kanya.

"O-Ouch.." daing ng gwardyang batid kong kasing edad ko lang. Sigurado akong kasapi ito ng Autotrophs.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Trevor kaya matalim ko siyang tinititigan.

"Oh please, kamay ang may bali sa akin, hindi paa. Kaya kong maglakad mag-isa. Tss." Pagtataray ko't padabog na tumaas na ng tuluyan at di na binalingan ang gwardyang natuhod ko.

💙

"I'll go with Papa." Deretsahang pagkakasabi ko. Agad na napabaling sa akin si Mama. I can really feel na nahihirapan siyang magpaliwanag ng side niya, lalo na't may roon silang pinag-uusapan na hindi ko kilala.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon