Chapter 6: Flowers

177 10 0
                                    

Chapter 6:
Flowers

IZEN CARAMEL
"ICE"

Autotrophs. That's what we called to plants, some algae, and certain bacteria that captures energy from sunlight or chemicals and use that energy to produce food. Lahat ng organism na hindi na kailangang kumain para makakuha ng energy dahil ang source ng energy ay kinukuha sa araw.

Bakit nga ba Autotrophs ang pangalan ng organisasyon na iyon? What's their goal?

Well, iisa lang ang kalaban ng Autotrophs.. Ang tawag ng organisasyon sa kanila ay Heterotrophs. Hindi ko rin alam kung anong nakain ng Autotrophs at ginamit pa nila ang mga terminolohiya ng agham para sa kanilang pagkakakilanlan. Well, Heterotrophs are those living things who eat food for source of energy.

And what's the main goal of the Autotrophs? Hindi ko talaga alam. Ang tanging nalalaman ko tungkol sa organisasyon na iyon, magnanakaw sila. Mga yaman na pagmamay-ari ng ating mga ninuno ang ninanakaw nila.

And the goal of the Autotrophs is to be on top of the food chain. Kung pagbabasehan ang science, nasa baba ang Autotrophs. Ang mga halaman ang kinakain ng mga hayop--including Homo sapiens. There's no way that Autotrophs would be on top.

Pero iba ang Autotrophs na ito. They are homos' who used plants to hide their identities. Codenames ika nga.

Tahimik muli sa isang sulok ng library sa Ertha Academy. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang brutal na pagpatay kay Hilli. Lumabas ako sa gusali ng Old TVL building noon ng walang kaimik-imik. Sinubukan akong kausapin ni Orville ngunit hindi ko siya ginawaran ng tingin.

Walang masyadong alam ang ibang estudyante kung anong nangyari doon. Ang tanging nakakaalam lamang ay Ako, si Orville, ang kaibigan ni Hilli na nakakita sa bangkay niya, si Sir Dion Harris, ang chairman ng school.. Hindi ko alam kung pati ang magulang ni Hilli ay nakakaalam n'on. Malaking dagok ito sa administrasyon ng paaralan.

Mayroon pa palang ibang nakakaalam ng nangyari doon, ang Autotrophs. Sila ang mismong gumawa n'on--mali, kami ang gumawa n'on.

Kabilang ako sa Autotrophs. Hindi lang dahil isa akong Edison, kundi pumasok talaga ako sa organisasyon na iyon. Now, I need my laptop back.. I need to crushed it, even if I don't want too. Baby ko iyon, but I have no choice.

Hindi ko alam kung isang Autotrophs o hindi ang nakakuha n'on. Alin man, kailangan kong mabawi iyon.. O ang lahat ng nakapaloob roon.

Mabibilis ang aking daliri sa pagpindot ng keyboard.

Nahihirapan akong i-trace ang aking laptop. Hindi ko 'yon magagawa hangga't offline iyon. Magiging online lang iyon once na binuksan. Kung ganoon, hindi binukbuksan ng sino mang may hawak noon. Makakahinga pa ako ng maluwag. Ang problema ko ay kung paano ko malalaman kapag binuksan ang system noon.

Right!

I have to create a knew system na maghahacked ng laptop ko once na mag-online ito! Great! What a bright idea. Bad sad at the same time. Ibig sabihin ay papatayin ko ang baby (laptop) ko. Huhuhu..

Gaya ng aking plinano, gumawa ako ng system na makakahacked ng laptop ko once it's online. Kung sino man ang may hawak ng laptop ko, hindi niya maaaring makita ang laman nito. Autotrophs man o kalaban ng Autotrophs.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon