Chapter 20: Warning

90 11 0
                                    

Chapter 20:
Warning

IZEN CARAMEL
"ICE"

Hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng aking kamao. Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw kong magkaroon ng kaibigan. Ang makaramdam ng pag-aalala sa iba at maging ang galit at puot sa kung sino man ang mananakit sa kanila. For years, I distance myself away from everyone. Hindi pa man ako nagoopen ng puso ko para sa iba, nakaramdam na ako ng pag-aalala lalo na ng makita ko ang dalawang pangalan ng mga taong nagsabi sa akin na isa akong kaibigan para sa kanila.

Hindi pa ganon katagal na magkakasama kami, ngunit bakit nag-alala na ako sa kanila ng malaman kong na sa bingit sila ng kamatayan?

Siguro nga, nabuksan ko na ang aking kalooban sa kanila ng hindi ko namamalayan.

Now I have to face the consequences.

But first, kailangan kong malaman ang nagpapanggap na ako.

Binura ko lahat ng emosyong nararamdaman ko..

Na sa ospital ako kung na saan naroon ang dalawang kaibigang muntik ng mamatay. Magkatabi lamang ang kwarto nilang dalawa at napatigil pa ako sa pagitan ng kanilang mga pinto.

I already found out kung sino ang nagpapanggap na Blue Rose.

Thanks to Orville for mumbling the names of the victims.

Dahan-dahan akong pumasok sa silid ni Asy.

Ilang hakbang pa lamang ang aking ginawa papasok ay nakita ko na ang sitwasyon sa loob.

"Laynah.." tawag ko sa babaeng may hawak na dagger. Nasa tabi siya ng kama ng mahimbing na natutulog na si Asy.

Yes, it was Laynah who did the killings this morning.

"Hilli.. Amelia, Nathalie, Yassi, Asy, Laynah.."

Sinundan ko ang bawat pagbigkas ni Orville ng mga pangalan at natigil ng may mapansin. Binaliktad ko ang kwaderno at nagsimulang isulat ang titik na simula ng pangalan ng mga biktima..

L.. A.. Y.. N.. A.. H..

Noong una ay hindi ako sigurado sa aking napagtanto ngunit naisip ko ang sugat ni Laynah sa kaniyang braso at ang pagtamo naman ni Asy ng sugat sa dibdib. Siguradong nanlaban si Asy kaya hindi siya napuruhan samantalang nasugatan niya naman si Laynah.

Asy is the only evidence I have.. kaya nagmadali akong pumunta rito sa ospital.

Binalingan niya ako ng may ngisi sa labi.

"Blue Rose is here." She said as a matter of fact. "Good timing, cousin. I was about to stab this little rat again. Good thing, you're here to witness."

She's no longer the Laynah I know. And what did she called me? Cousin?

Could it be..

"Yes, couz. I'm not Laynah Hudson.. I am your dear cousin, Eliza Laynah Edison. Long time no see."

Mas lalo akong napakuyom. She's an Autotrophs. Pamangkin ni Trevor, anak ni Leonardo Edison.

"Are you here to witness my crime? Or to be my partner in crime?"

Dahan-dahan kong kinuha ang dagger ko sa aking buhok.

"Don't you dare lay a hand on Asy again, Laynah." Mariin kong sabi.

"And what? You'll kill me instead?" May halong panghahamon ang kanyang boses. Humakbang ako ng isa at sinulyapan ang mahimbing na natutulog na si Asy.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon