Epilogue

184 9 5
                                    

Epilogue

CODE ICE

Malamig na simoy ng hangin ang aking unang naramdaman.

Imbes na tunog ng papel mula sa mga libro, huni ng mga ibon ang naririnig ko.

Wala ring tunog ng keyboard mula sa mga pagtipa ang aking naririnig.. bagkos ay friction mula sa mga kahoy na nagbabanggaan tuwing hinahangin.

Unti-unti ang pagdilat ko ng aking mga mata at ang nakakasilaw na sinag ng araw ang bumungad sa akin kaya agad akong napapikit muli.

Napalalim ang aking paghinga at agad kong nalanghap ang sariwang hangin.

Sa langit siguro ako napunta?

Ngunit..

Nakaramdam ako ng hapdi sa aking tyan dahil sa aking paghinga.

May sakit pa ba sa langit?

Iminulat ko muli ang aking mga mata. Bumungad muli sa akin ang sikat ng araw but this time, hindi na ako muling pumikit. Nag-adjust ang aking paningin at doon ko lamang napagtanto kung na saan ako.

Nakahiga ako sa isang kama.. ang bintana sa tabi nito ay nakabukas at doon tumatagos ang sinag ng araw. Bumaling ako sa ibang direksyon at nakita ko ang isang aparador, medyo luma na at may salamin ito. Nakita ko tuloy ang aking repleksyon.

Nakaputi akong damit at kita ko ang dugo sa banda ng aking tyan. Tila hindi pa ito humihilom ng tuluyan.

Sinubukan kong bumangon. Mahapdi ang sugat ko ngunit pinilit ko. Sa mesa sa tabi rin ng kama, naroon ang belt bag ko kung saan nakalagay ang sun shaped blades ko. Kinuha ko ang isa at sakto ko iyong naitapon sa may pinto ng silid dahil sa gulat.

Bumukas kasi ang pinto at may isang lalaking tingin ko'y kasing edad ni Sir Harris.

Agad naman siyang nakailag kaya bumaon ang aking armas sa dingding.

"Easy, kid." Aniya. Sobrang lalim ng kanyang boses.

Kumunot ang noo ko dahil pamilyar ang kanyang mukha. Pilit kong inisip kung saan ko nga ba siya unang nakita.

Napa-awang na lamang ang aking bibig ng maalala na siya yung kasama ni Mama sa picture na nakita ko!
Ano nga bang pangalan niya?

"S-Sino ka?" My voice were low. Nanghihina pa rin ako.

"Wilbur.. ikaw bata? Sino ka ba?"

Hindi ako nakasagot agad. Should I tell him my name? Which name? Ice? Izen Caramel? Snow?

Dahil lito, di ako nakasagot. Pinilit ko na lang alalahanin kung paanong narito ako? Bakit buhay pa ako?

Napahawak ako sa aking sintido't pilit na mag-isip.

"Come on, Snow! Breath!"

I can feel someone trying to pump my chest..

"Damn it! Ice! Fight for your life! Di pa tapos ang digmaan! Don't fckin die at the beginning!"

And then I suddenly gasped for air.

Mahirap huminga.. masakit sa tiyan.. malamig ang paligid.. basang-basa ako.

Naimulat ko ang aking mata.. It was blurry but I can still see the girl in white infront of me. Her hand is on my chest. I can feel it.

"A-A..sy.." I mumbled her name..

"Breath okay? Breath.. I will save you." She whispered. Bahagya kong naaaninag ang kanyang paggalaw. "Cace, bilis. We have to bring Ice to Commander. Yes! I revived her from death! So bring your ass here as soon as possible!"

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon