Chapter 15:
A Woman in Black CloakIZEN CARAMEL
"ICE"Maraming misteryo na ang bumabagabang sa'king isipan. Tulad ng pagligtas ko kay Desire na hindi ko naman talaga kilala. Kung bakit ako binigyan ni Sir ng pares ng uniform even if I can afford to buy new one. Ang mga sinabi sakin ni Wright Mama, na mas kilala niya ako kaysa sa kung sino pa man. Ang mga sinabi sakin ni Mama na kamalian na ginawa niya. At ngayon, ang paglabas niya sa ganitong oras at kasama pa ang isang taong hibdi ko rin kilala pero mukhang pamilyar sa akin.
Hawak-hawak ni Orville ang kamay ko habang sinusundan namin si Mama at ang misteryosong babae na iyon.
Isa pang katangungan sa isip ko, why are they wearing a cloak?
A black cloak to be specific?
Wala nang nakaburdang ano mang bulaklak sa cloak nila. So I can't say that they are part of the Autotrophs.
Wala ring ganitong uniform ang Solar. Tanging tattoo lamang na araw ang palatandaan na isa kang Solar.
But this two? I don't know.
Napansin ko na ang daan na tinatahak nila ay pamilyar sa'kin.
"Edison's Mansion.. Papunta sila sa Mansion ni Trevor." Wika ko kay Orville.
"Trevor? Ang Papa mo?"
Hindi ako sumagot at ako na ang nanguna sa pagsunod sa dalawang naka-cloak. Hindi ko tinatanggal ang tingin ko sa babaeng kasama ni Mama.
Hanggang sa tuluyan na nga kaming makarating sa mataas na pader. Sa likod ng pader na ito ay ang Mansion ng mga Edison. Their ancestral mansion.
May kinuhang device ang kasama ni Mama at isang click lang, bumungad samin ang isang ladder.
"Woah.." Manghang sabi ni Orville at agad kong tinakpan ang bibig niya. Mukhang hindi naman kami narinig ng dalawa at naunang tumaas si Mama sa ladder.
Bakit may ganoon silang device? Tanging Autotrophs at Solar lang ang may ganoong mga device. Saang organisasyon sila nabibilang? O may iba pa bang organisasyon na narito sa Vierse City?
Ng marating ni Mama ang tuktok ng pader, imbes na sumunod ang kasama niya ay tiniklop niya ang ladder at nagmistula itong stick ulit. Tumango siya at naglakad sa ibang dereksyon habang si Mama ay tuluyan ng tumalon papasok sa lupain ng Edison. What are they up to?
"Orville, kaya mo bang maka-akyat sa pader na 'yan?" Tumango siya sakin bilang sagot. "Sundan mo si Mama." Utos ko.
"What?" Kunot-noo niyang tanong. "What about you?"
Hindi ko siya binalingan at nanatili ang mata sa babaeng naka-itim na cloak.
"I can take care of myself." Sabi ko na lang.
Aalma sana siya ngunitninunahan ko na siya.
"If something happened on my Mom, lagot ka sakin." Saglit ko siyang liningon at sinamaan ng tingin bago binalik ang paningin sa aking target ngayong gabi.
"Fine." Pero mukhang hindi siya kumbinsido pero tinuloy niya pa rin. Naghiwalay na kaming dalawa at sinundan ko na ang babae.
BINABASA MO ANG
Code: ICE (Code Series #1)
Misteri / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...