Chapter 31: In the hands of a Prince and Princess

78 8 0
                                    

Chapter 31:
In the hands of a Prince and Princess

IZEN CARAMEL

Pumalakpak ang lalaking naka-tuxedo na dilaw. Lahat ng atensyon ay napunta sa kanya.

"The Disney Princesses are here! The challengers and Watchers are here! The game should start now! Time is Gold!" Maligaya niyang wika na parang batang nagch-cheer.

Kasabay nito ay ang pag-galaw ng mga box kaya agad akong napasandal sa glass walls upang balansehin ang sarili. Napansin ko tuloy ang kaunting paggalaw rin ng mga matutulis na shuttered glass. Tila hindi ito nakakabit ng maayos. O baka naman may ibang function ang mga matutulis na salamin na iyon?

Umikot-ikot ang box at napunta sa gitna ng umiikot ng mga box sila Mama at iba pa, kasama ng Personal Guard ni Ice na walang ibang nagawa kundi sundan na lamang ng tingin ang box kung na saan si Desire.

"Before I explained the rules of the game, you should choose who's princess should be saved first and who's last." Wika ng nakamaskarang lalaki.

Nagkatinginan ang lahat ng nasa gitna. Nag-iisip kung sino nga ba..

"And what if we kill you instead of playing this game?" Tanong ni Trevor.

Pumalakpak ng dalawa ang nakamaskara at kasabay noon ay ang pagsigaw naming na sa loob ng box.

Napahawak na lamang ako sa aking braso ng maramdaman ang hapdi doon. I felt my blood gushing out of my body. Napabaling ako sa mga shuttered glass sa likod ko at may nabawas doon na isa. Bumaling tuloy ako sa harap ko at doon ko napansin ang matulis na shuttered glass na nakabaon ngayon sa salamin na pader.

"Ice!"

"Elle!"

"Flame!"

"Jennie!"

"Chae!"

Sabay-sabay na sigaw ng mga nasa labas. Hindi lang pala ako ang may tama.

Nagmistulang na sa loob ng shower si Laynah dahil ang tumutulong tubig kanina ay lumakas at unti-unting nagkakaroon ng tubig sa loob box.

Sa tabi ko kung saan naroon ang tinawag nilang Flame, narinig ko ang isang kadena na kumalansing, isang malakas na huni ng isang lion, at hiyaw ng isang babae.

Ang babaeng tinawag na Jennie ng isa sa kanila ay ang nagrerepresenta kay Rapunzel. Medyo humigpit kasi ang pagkakatali ng braided hair sa leeg niya.

At ang babaeng tinawag na Chae, siya ang na sa loob ng box na katabi ni Desire, biglang bumaba kasi ang ceiling ng box at ngayon ko lang napansin na may mga nakapatong doon na mga gamit sa bahay. A chair, a closet, a candle stand at iba pa. Mga bagay na nagsasalita sa Disney Movie na Beauty and the Beast.

"One wrong move, babaon ang shuttered glass sa katawan ni Cinderella, Hindi na magigising si Sleeping beauty, Rapunzel will be choke to death by the tangled hair, Snow White will die because of poison, Ariel who supposed to swim the water will be drown, and Jasmine who used to be a friend of a lion will be eaten alive. Do you want that, Edison?" Seryosong sabi ng Nakamaskara. Ano bang ginawa namin para paglaruan niya ang mga buhay namin? Ugh! "Now, choose."

Walang nakakibo agad.

Napabuntong hininga ako. Halos lahat ng na sa labas ay mukhang problemado. My Mom is looking at me intently at ayaw kong titigan ang mga mata niyang puno ng pag-aalala sa kalagayan ko. Nakita ko siya kaninang mariing pinagmamasdan ang dalawang sugat ko. May tatlo lamang siguro ang seryoso't nag-iisip na ng paraan. Ang tatlong lalaki na nakatatanda, Leonardo, Trevor, and Sir Harris. The three looked calm.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon