Chapter 14: Grounded

115 11 0
                                    

Chapter 14:
Grounded

IZEN CARAMEL
"ICE"

"Kailan mo balak sabihin sakin ang sakit mo, Ice? Ha?" Ilang beses na 'yang tanong sakin ni Mama. "At bakit ka may sugat sa balikat mo? Ano bang kalokohang pinaggagagawa mo sa school, Ice?"

Walang ni isang sagot ang lumabas sa bibig ko. Napapikit na lang ako habang tinitiis ang sakit ng sugat kong ginagamot ngayon ng School nurse.

"Ice, tinatanong kita!" Bulyaw sa akin ni Mama. Ito ang unang pagkakataon na sinigawan ako ni Mama. And I'm sad about it. Ayaw ko lang naman na mag-alala pa siya sakin. I want her to enjoy her life.

"I'm tired, Ma." Wika ko na lang at nanatiling nakapikit. Ayaw kong makita ang emosyon sa mga mata ni Mama. It makes me weak. She's my weakness. My only weakness..

"Tired?! Ice naman!"

"Cherry.. Mas mabuti sigurong pagpahingahin mo muna si Ice."

Napadilat ako ng magsalita si Wright Mama. Ngayon ko pa lang siya narinig nagsalita ngayong araw. At nakakagulat na tinawag niya akong Ice.

Kanina niya pa ako pinagmamasdan. Kung may lakas lang sana ako'y nakipagtitigan na naman ako sa kanya.

Pumikit na lang ako ulit.

I'm starting to feel my body. Bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi pa ako nakakainom ng gamot ko dahil kasalukuyang kinukuha pa iyon ni Orville sa room ko sa dormitory.

"Mag-uusap tayo mamaya, Ice." Sabi na lang ni Mommy. Nabalot ng katahimikan ang buong sulok na ito sa clinic pagkatapos non.

Naramdaman ko na lang, tapos na ang School Nurse sa paggamot ng sugat ko at umalis na siya.

Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan.

"You're one brave girl, Ice."

Isang boses ang nagsabi n'on kaya nagising ako. It wasn't from my mother. Hindi ko lang mawari kung kanino galing. It wasn't that clear on my ear.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Ang una kong nakita ay si Mama na nasa tabi ko. Hawak-hawak ang kamay ko. Tulog siya.

Sa isang mahabang upuan, nakita ko namang nakaupo si Wright Mama. Narito pa pala siya?

Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin.

"Why.. Why are you still here?" Nanghihina ang boses ko. Hindi pa pala ako nakakainom ng gamot.

Tiningnan ko ang balikat ko't kulay pula na naman ang benda doon.

"Pagod ang Mama mo kaya ako na lang ang nagbantay sa'yo habang natutulog siya. Inumin mo na ang gamot mo. Namumutla ka na." Super flat ng boses niya. Tumayo siya at ibinigay sakin ang gamot ko at isang baso ng tubig.

Ininom ko na lang ang gamot koko at umupo siya ulit sa pwesto niya kanina.

Tulog pa rin si Mama sa tabi ko. Napabuntong hininga na lang ako. I really don't want her to worry about me.

"Umuwi na kayo. I'm fine." Sabi ko pero seryoso niya lang akong tinitigan. "Kung pagod si Mama, kailangan niya ng magpahinga. She can't sleep here. Magkakastiff neck lang siya." Giit ko't si Mama na lang ang tinitigan ko.

"Manang-mana ka talaga sa Daddy mo."

Napakunot ako sa sinabi niya. Why the hell all of them say those thing? Ang layo ko kaya kay Trevor!

"Acting like you didn't care but the truth is, you care more than anyone else." Dagdag niya pa bago siya tumayo.

Now that's unbelievable. Walang ganong pag-uugali si Trevor. That man is a Psycho. A psycho obsessed with my Mother.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon