Chapter 7: Heterotrophs

163 10 0
                                    

Chapter 7:
Heterotrophs

IZEN CARAMEL
"ICE"

Tahimik ako habang na sa screen ng computer ang aking tingin. Inaantok ako't naiinis. Napapasulyap ako sa aming guro sa unahan minsan ngunit mas lalong nadadagdagan ang inis ko. Na sa loob kami ngayon ng ICT Laboratory. Na sa harap namin ang mga computer habang sa pinakaunahan ng Laboratory ay isang malaking LCD at naroon rin si Sir Harris, nagdidiscuss tungkol sa paggawa ng PowerPoint presentation. Like seriously? PowerPoint? Kahit elementary, kayang gumawa niyan eh!

I wanna frown.. I wanna roll my eyes.. But I stop myself.

Napakataas ng expectation ko kay Sir Harris, pero nawala lahat ng expectation ko.

Pagkatapos ng isang oras na discussion, natapos rin sa wakas ang boring na session sa ICT Laboratory. Mauuna sana akong lumabas doon but Sir Harris called my name as well as Orville.

"See you in my office, the two of you."

Nagkatinginan pa kami ni Orville. Tungkol naman saan ang pag-uusapan namin?

Gaya ng sabi ni Sir Harris, sumunod kaming dalawa ni Orville sa kaniya. Ipinagpaalam niya daw kami sa susunod naming klase kaya wala kaming dapat ipag-alala. We're excused. But it bothers me.

Itinuro ni Sir Harris ang couch sa kaniyang office pagdating namin roon. Sa mismong Administration Building ang kaniyang opisina, katabi ng mismong opisina ng School Chairman. Habang umuupo sa leather na couch, ilinibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng Office niya. The walls are bluish, parang pinasadya iyon para irepresent si Sir Harris. Kakulay ito ng langit, like a cold atmosphere. There's a mini library on one of the corners, an LCD on the other side, A couch, A little table at the center, he's office table and swivel chair, a computer and A laptop on his desk. Nakuha rin ang atensyon ko ng pinto sa isang gilid, it was as if connected to the Office of the Chairman.

Lumapit si Sir Harris sa kaniyang mesa't may kinuha roon na mga folders. Iniabot niya iyon kay Orville.

"Open it and read about her. Babalik ako." Wika niya bago siya lumabas ng kaniyang opisina sa mismong pinto na tingin ko'y nakakonekta sa Office of the Chairman.

Nagkatinginan kami ni Orville as if we're talking through our minds.

Siya ang nagbukas ng folder na ibinigay sa kaniya ni Sir Harris habang ako'y lumapit sa mesa ni Sir. Wala naman akong balak gulihin rito ngunit nadadala ako ng aking kuryusidad. On his desk, naroon ang laptop niyang nakasara, ang PC niya, ilang folders, mga class records at pati na rin ang ilang Students written works. Ngunit ang mas napansin ko ay ang picture frame na naroon. Hindi larawan ang nakalagay roon kundi isang sketch. It was him hugging a woman beside him, two little girls and a boy. Bakas ang ngiti sa mukha niya roon, malayong-malayo sa mukha niya ngayon. The woman he's hugging looks familiar in my eyes, pero hindi ko alam kung saan ko ito nakita o nakilala. Her hair was wavy ang long, her eyes was dark, it reflects her dark hair. She has that skinny body. But the highlights of her beauty was her smile. It's warm and peaceful. Parang walang pinagdadaanan na problema. Napadako ang tingin ko sa dalawang batang babae. Hindi sila magkamukha. Ang isa'y parang maliit na version ng babaeng yakap-yakap ni Sir Harris. Ang isa nama'y parang halo lamang ang kaniyang itsura-her eyes reflects Sir's but her smile reflects the woman. Ang lalaki naman sa kaniyang tabi ay halos kamukha niya. It's looks like, they're twins.

Masaya ang mga mukha nila sa picture na ito.. But it looks like fragile to me. It was like a dream that was so far from reality. Like this image of this family is just a fruit of imagination and it was never existed. Parang sa ountong ito, nakilala ko kung sino nga ba si Sir Harris.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon