Chapter 11: Target Locked in

132 11 0
                                    

Chapter 11:
Target Locked in

IZEN CARAMEL
"ICE"

Hindi ko alam kung bakit imbes na tumakbo palayo sa kung saan nagmula ang putok ng baril ay kabaliktaran ang aking ginawa. My mind was a total blank. What I know is that I'm running towards Sir Harris's Office.

Sabay ang aming pagdating ni Orville sa mismong pinto ng opisina. Agad niyang binuksan ang pinto ng walang pag-aalinlangan and to our surprise, may isang lalaki na naka-itim, nakasuot ng maskara at may hawak-hawak na baril ang sumalubong sa amin. Based on the body built, I know it's a man. Tumatakbo iyon at gulat na gulat rin. May sugat pa siya sa tagiliran. He aimed to shoot Orville but my reflexes took over me.

Agad akong sumabit sa balikat ni Orville at inangat ang sarili. Orville was shocked but he managed to hold me on my waist para suportahan ako. I swayed my body at sinipa ko ang baril na hawak ng lalaki dahilan para tumilapon iyon bago niya pa man kami mapaputukan.
When my feet landed on the floor, agad na sinipa ni Orville ang lalaki sa dibdib dahilan para matumba ito.

"Izen! Takbo!" Natatarantang sigaw ni Orville. I did what he said. Pero imbes na paalis sa lugar ay sa pinto ako dumeretso kung saan ako makakapasok sa Office of the chairman. Hindi ko na liningon si Orville at narinig ko na lang ang mga gamit na nagsisibasagan mula sa kanya at sa lalaki.

Ng tuluyan kong mabuksan ang pinto, isang panibagong pigura ng lalaking nakasuot ng kulay itim at maskara ang sumalubong sa akin. It's holding a dagger this time.

"Izen!" Rinig kong sigaw mula kay Sir Harris. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong alamin kung anong sitwasyon ang meron siya dahil umambang sasaksakin ako ng lalaki sa harap ko.

The adrenaline gives me so much power right at this moment at ang reflexes ko'y naging mistulang armas ko.

Agad akong umilag pa-kanan ng sa mismong mukha ko ang balak niyang tarakan ng dagger. Oh hell! Not my face, idiot!

Dahil sa ginawa ko, imbes na mukha ay bahagya lang nasagi ang balikan ko ng dagger. Naramdaman ko ang init na sensasyon mula doon pero sinawalang bahala ko iyon.

He tried to punch me using his free hand pero inunahan ko siya ng suntok sa sikmura gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa ko'y hinawakan ang kamay niyang may hawak na dagger.

Sobrang hapdi ng sugat ko mula sa daplis ng dagger pero wala akong oras para bigyan iyon ng lunas. He was about to kick me pero hindi niya na nagawa when I suddenly twisted his hand who's holding the dagger. Umikot ako sa kanya hanggang sa mapilipit ko ng tuluyan ang kamay niya papunta sa likod. Wala na akong inaksaya pang oras at agad kong inagaw ang dagger at ipinukpok ang hawakan nito sa kanyang batok.

Nawalan ito ng malay at kasabay rin n'on ay ang pagbagsak rin ng isang katawan sa sahig mula sa hindi kalayuan.

Ng lingunin ko iyon, nakatayo sa tabi nito si Sir Harris. He's holding a gun!

Linusob siya ng tatlong armadong lalaki?
Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan sa magkabila kong balikat. He's face was priceless.. It's full of emotions that I don't really imagine that he can give. Concern.

"Y-You're bleeding.." Aniya. Nakatingin siya sa balikat kong nasugatan.

"I-I'm fine.." Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinakaya ang mga emosyong nababasa ko mula sa kanyang mga mata. "S-Si Orville.." Tanging na sabi ko na lang.

Agad siyang tumango sa akin bago lumabas sa opisina ng Chairman para tulungan si Orville.

Napahawak na lang ako sa aking balikat at nagsimula ng manginig ang tuhod ko. Parang nanghina ako bigla. Ilinibot ko ang paningin sa opisina. Sobrang gulo ng paligid at may dalawang lalaking nakahandusay sa sahig. Tinanggal ko ang neck tie ko at ginamit para igapos ang kamay ng lalaking umatake sa akin kanina. Napasulyap naman ako sa lalaking pinatumba ni Sir at napasinghap ako ng tuluyan kong mapansin ang ginawa ni Sir Harris. He doesn't have any gunshot.. But he was choked to death.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon