A/N: This chapter is dedicated to _LaMiyea_ ♥
Chapter 3:
AbductorIZEN CARAMEL
"ICE"Naglalakad ako papunta sa building kung na saan ang aming classroom ng makita ko si Orville. Napakunot ang kaniyang noo at napasulyap sa aking likod kung na saan ang matatagpuan ang Ertha Dormitory.
"Hinanap mo ang phone mo?" He asked.
Tumango lamang ako bilang sagot at nagpatuloy na sa paglalakad. Sinabayan niya naman ako.
"Akala ko ba'y wala sa dormitory?"
"Wala nga." Sagot ko.
Napapansin ko ang bawat sulyap ng mga estudyante sa paligid sa akin.
"Di ba siya 'yong buhat-buhat ni Sir Harris kahapon? Iyong sinugod sa clinic?" Rinig kong bulongbulungan nila.
"Oo, 'yong sinagip nila Orville sa Old TVL Building."
Bakit pa ba nila kailangan bumulong kung naririnig ko naman sila. At kilala nila ang lalaking ito? Tingin ko'y mula sila sa mababang baitang, paano nila nakilala ang isang 'toh?
Ay, Oo nga pala. Chickboy nga pala siya.
"Hindi kita maintindihan, Izen." Sabi ni Orville.
"Hindi mo na kailangan intindihin." Sagot ko at lumiko ako sa wing kung saan patungo ang aming classroom. Inaasahan kong liliko siya sa kabila ngunit sumabay pa rin siya sa akin. Teka nga, na sa kabilang wing ang 10-Moon. Saan naman siya pupunta?
"Where are you going?" I asked him.
Ngumiti siya sa akin at pinakita ang ID niya.
Orville C. Quillen
10-PlanetWhat?
"Nailipat ako ng section ngayong School Year. Hello classmate." Aniya. "Let's go? Baka malate pa tayo."
Siya na ang unang naglakad at sumunod na lamang ako.
This is bad.
❄❄❄
Paikot-ikot ang ballpen ko sa aking mga daliri habang nagkukunwaring nakikining sa aming english teacher.
Nakakabagot.
Nabasa ko na ang tinuturo niya sa amin ngayon kaya kahit hindi ako makinig ay alam ko na iyon.
Natigil ang pag-ikot ng ballpen ko ng may papel na ilinagay sa aking mesa ang katabi ko.
Napasulyap ako sa kaniya.
It's Orville by the way.
Tiningnan ko ang papel at may nakasulat roong mga simbolo..
Dots and dashes..
Morse Code huh?
-•-• •- • ••• •- •-•
I read it.
CAESAR
Iyon ang nakasulat roon kung babasahin ko iyon.
BINABASA MO ANG
Code: ICE (Code Series #1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...