Chapter 35: A Man I should Know

181 10 1
                                        

Chapter 35:
A Man I should Know

IZEN CARAMEL

"Earth to Izen Caramel Edison, aka Ice."

Sinabayan pa 'yon ng pagpitik-pitik ng daliri ni Laynah sa harap ko.

Doon lamang ako nakabalik sa realidad. Na sa canteen kami at kanina pa pala ako walang kibo at hindi gumagalaw.

I resume eating after that.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, Ice." Ani Laynah at nagsitanguan naman ang tatlo pang narito't kasalo ko maglunch.

Seryoso nga siguro sila sa sinasabi nilang Patinig Squad. Pano ba naman, kahit ibang section si Laynah sa amin at si Cace naman ay senior high, sabay-sabay pa rin kaming kumakain ng lunch at pumupunta sa library para sa remaining hours ng lunch time.

"Share mo naman samin, Mommy Ice-Ice." Si Asy habang ngumunguya pa ng kinakain niyang chicken wing.

"It's nothing." Sagot ko.

Nagpatuloy ako sa pagkain ngunit napapatigil rin ako sa pagnguya lalo na't lahat sila'y nakatutok sa akin. Nag-aabang na naman sa isasagot ko.

Ugh.

Ibinaba ko ang kutsara't tinidor ko.

"It's my mom's birthday, today." Sagot ko.

"Talaga? Chibugan time!" Pagdiriwang ni Asy. Akala mo, hindi na kumakain ngayon. Ugh.

Natahimik naman si Cace sa isang sulok. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin n'on pero natahimik talaga siya.

"What time ba ang celebration?" Tanong ni Laynah pero nagkibit balikat ako.

"I don't know." I breathe out.

Sa totoo lang, nararamdaman kong may nakaharang na sa pagitan namin ni Mama. Nagsimula ito ng masaksihan kong lumalabas siya ng gabi. Na may pinupuntahan siya't hindi ko mawari kung ano nga bang ginagawa ni Mama.

And she.. she's connected with Desire's Mother.

Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari sa kanya at sobrang dami na ng katanungan ko sa isip ko, pero hindi masagot.. kahit isa.

"Then, tayo na mismo ang gumawa ng party?" Suhestiyon ni Cace.

Natahimik ako doon.

"Right! Let's surprise your Mom!" Ani Laynah.

Umiling naman ako. Hindi naman sa ayaw ko but.. those stuffs? Hindi ko 'yon ginagawa.

"Ice, come on.. para sa Mama mo naman 'yon. Tama sila.. tutulungan ka naman namin eh." Si Orville naman ang nangungumbinsi.

"No." I answered. Sabay iling pa. Hindi ko maimagine ang sarili kong gagawin 'yon.

"Sige na, Ice. Hindi namin na-experience ang mangsurprise sa mga nanay namin. We never had a chance.. I mean, we will never have any chances. Kasi wala na ang mama namin." Malungkot na wika ni Laynah.

Napaisip ako doon. Oo nga pala.. Laynah's mother is long dead. Sanggol pa siya ng mamatay ang Mommy niya.

"She's right. My parents are both dead. Hindi ko na magagawang mag surprise party para sa kanila. So please.. Mommy Ice-Ice.." sabay puppy eyes pa ni Asy na may kasama pang pout.

Wala na siyang magulang? Naalala kong may guardian nga pala siya. At sabi niya noon, lolo daw iyon ng fiance niya. Kaya pala ganon kasi namatay na ang magulang niya.

"Ako rin, nasa malayo ang Mama ko. Kaya wala rin akong experience na ganyan." Si Cace naman.

Napatingin ako kay Orville. Sa aming lima, pareho kaming may nanay. I remember, Wright Mama. Matagal ko na pala siyang di nakikita.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon