Chapter 9: New Usual Spotmates?

142 13 0
                                    

Chapter 9:
New Usual Spotmates?

IZEN CARAMEL
"ICE"

Sobrang tahimik ulit sa library. Hindi ko maiwasang mabalisa habang nakatutok lamang ang mata ko sa screen. Walang kurap-kurap. Walang pagtipa sa laptop.

Lumilipad pa rin ang isip ko sa nangyari ilang araw na ang nakalipas. Sa babaeng iyon pa rin ako napapaisip. I have a hint that she's the daughter of Sir Harris. Base sa mga ikinilos niya ng bahagyang masambit ang tungkol sa anak ni sir, alam ko ng siya iyon. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako napapaisip ng malalim. Iyon ay dahil nararamdaman kong hindi iyon ang una naming pagkikita. Hindi ako sigurado ngunit feeling ko talaga'y tama ako. Ngunit saan? At kailan?

Napabuntong hininga na lang ako. Sa dami ba naman ng iniisip ko, dumagdag pa ang babaeng iyon?

Napaangat ako ng tingin sa lalaki sa harap ko. Tumikhim kasi siya at bahagyang napatingin sa akin tapos binalik niya ulit ang tingin sa binabasa.

Napailing na lang ako sa sarili. Sa sobrang pagkabalisa ko, siguradong napansin na iyon ng kasama ko.

Nagsimula akong magtipa sa laptop. Imbes na mga codes o kung ano-ano, iba ang inatupag ko. I wrote a report about my previous missions. My own mission.

Sa sobrang busy ko sa pagtitipa, hindi ko namalayan na may lumapit na pala sa table na usual spot ko. Napansin ko lamang ng medyo dumilim sa parte ko kaya napaangat ako ng tingin. Anino pala iyon mula sa isang taong lumapit.

Nag-aalangan siyang tumitig sa akin at ganoon rin kay Orville. Hindi ko alam kung magtatanong ako kung may brutal na namatay na naman o hindi. It's Laynah, by the way.

"U-hm.." Bwelo niya. Halos bulong lamang iyon dahil sa takot niya sa librarian na nasa malapit. "H-Hi?" Ang she smiled awkwardly. Ngumiti sa kanya pabalik si Orville habang ako nama'y tinitigan ko lamang siya at hinintay sabihin kung anong pakay niya.

"P-Pwede ba akong makiupo dito?" Hindi ko alam kung ba't siya nagpapaalam. Hindi naman akin 'tong kinauupuan ko. I just seat here because no one dared to seat here. Naging usual spot ko ito kasi wala namang ibang may gustong umupo. I don't know about Orville though.

I just nodded tapos bumalik sa aking ginagawa. I ignored her awkward stares. I don't have time for what she's up to. Marami akong iniisip. Marami akong pinagpaplanuhang gawin.

Nasa kalagitnaan ako muli ng pagtipa ng maramdaman kong may humila ng upuan sa tabi ko. Agad kong itiniklop ang laptop sa pagkabigla at baka mabasa niya ang tinitipa ko doon. Ng balingan ko kung sino 'yon. Isang panibagong mukha ang nakisama sa amin sa mesa na ito. Mga kabute ata ang mga tao ngayon. Bigla na lang sumusulpot.

"Hi! I'm Asy." Pakilala niya sa akin. Sapat lamang para ako lang ang makarinig. I know her actually. Classmate ko siya since first grade. Arrien Syedel Austero. But they call her Asy.

"I know." Walang kabuhay-buhay kong sagot. Mas lumapad ang ngiti niya dahil sa sagot ko't napailing pa siya.

"Kilala mo pala ako? Most of our classmates didn't notice me. So they probably don't know me." Aniya.

I wanna say, hindi ka talaga nila mapapansin sa liit mong iyan. Sobrang liit kasi ng babaeng ito. Para siyang elementary.

"Dito na ako uupo, from now on ha?" Tapos binuklat niya na 'yong science dictionary tapos isang kwaderno. Wala naman kaming assignment pero iyon ang inaatupag niya. Mahilig siguro siya sa science.

Napabuntong hininga na lang ako at bubuksan ko na sana ulit ang laptop kaso naisip ko, sa dorm ko na lang siguro ipagpapatuloy ang reports na ginagawa ko.

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon