Chapter 36:
Pretending like a SnowIZEN CARAMEL
Nasurpresa si Mama sa kanyang pag-uwi. Aniya, hindi lang dahil sa ginawang decoration ni Laynah at sa pagkain na inihanda nila Orville at Asy.. dahil na rin daw sa dumadami na ang circle of friends ko.
Hindi naman ako makapagsalita tungkol doon. By paper, Laynah is my cousin. She's Elle. Pareho rin kaming Autotrophs. Asy? Maybe.. I saw Asy as my friend. Not only friend.. parang kapatid na rin. Cace, I can't trust this man. Gaya ng sabi ko noon, galamay siya ni Trevor. And Orville.. I don't know.. kung tutuusin, mas kilala ko si Orville kaysa sa iba. Pero ayaw kong magtiwala kahit kanino sa kanila.
Nagsalo-salo kami sa hapag. Naging tahimik lamang ako sa buong oras na iyon. Gustong gusto kong kausapin si Mama ngunit hindi ko magawa.
Siguro, kailangan kong matuklasan ng hindi umaasa sa kanya.
Dalawang araw ang lumipas simula ng birthday ni Mama.
"Malapit ng bumalik si Senior. Ito ang unang pagkakataon na babalik siya ng hindi kasama si Torch Flower. Pagkakataon na natin ito."
Tumaas ang kabilang kilay ko sa narinig.
Nasa loob ako ng kwarto ko dito sa Mansyon ng Edison. Suot ko ang earphone ko habang nakapikit lamang. Nakaupo ako sa harap ng study table dito. Nasa harapan ko ang laptop kong naikonekta ko sa CCTV cameras ng buong mansyon.
May mga devices akong kinabit sa bawat sulok para naririnig ko ang ano mang pag-uusapan nino man.
Sa ngayon, nakatutok ako sa opisina ng aking magaling na ama. Kausap niya ang ilang tingin ko'y Autotrophs rin na loyal sa mga Edison.
"Anong gagawin natin, Trevor." Tanong ng isa.
"Magandang pagkakataon upang pumuslit sa base ni Torch Flower."
Kumunot ang noo ko. At anong gagawin nila sa base ni Master?
"Pero hindi natin iyon mabubuksan. We all know how secure it is."
Giit naman ng isa.
"That's one of our problem. Hindi natin alam kung paano natin mabubuksan ang base."
Nahulog sa malalim na pag-iisip si Trevor.
Patuloy pa rin pala siya sa plano niyang pagpapabagsak sa Autotrophs.
"Si Blue Rose. Hindi ba't tauhan mo rin siya, Trevor?"
Napatagilid ang ulo ko. So, are they planning to use me again? Damn. That's too risky Trevor. Alam ng lahat na ako lang ang kayang pumasok sa base.
"We won't use her. Hindi, sa ngayon. Kailangan ay may isa munang makapasok doon at kumalap ng impormasyon. Si Blue Rose ang huli natin na alas. Hindi natin maaaring isabak agad sa giyera."
Napadilat ako sa narinig. Nakita kong seryoso ang mukha ni Trevor. So, balak talaga nila akong gamitin laban sa Autotrophs? Not now? Pero kailan?
I rolled my eyes. Mamamatay rin ako sa huli. Tss.
Their chats went on and on. Plinano nilang si Trevor muna ang susubok makapasok.
Torch base is a vault-like room. Maliit 'yon at may lock na parang sa vault. Ang alam ko'y sa loob ng base ay mga computer. Doon nakalagay ang lahat ng data patungkol sa Autotrophs.
Napasandal ako sa aking swivel chair..
Torch Flower is the only key to bring the Autotrophs down..
![](https://img.wattpad.com/cover/226794229-288-k299324.jpg)
BINABASA MO ANG
Code: ICE (Code Series #1)
Misterio / Suspenso[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...