Chapter 34:
A New Chapter
IZEN CARAMEL
A month has passed. And It's been a week since nakalabas ako ng Ospital at gaya ng dati ay sa mansyon pa rin ako ng mga Edison nakatira.
Nagising ako ng araw na 'yon sa isang puting silid. Nasugod pa pala nila ako sa Ospital at naagapan ang buhay while Desire and Heart also made it to the hospital.
Simula noon ay hindi ko na nakita si Desire. Siguro ay dinala siya kung saan ng ama niya. Ako ang naiwan sa ospital dahil sa dami ng tama ko noong araw na 'yon at sa dami rin ng dugong lumalabas sa akin.
Wala rin akong balita kung nahuli pa ba ang baliw na may kagagawan ng lahat o hindi.
Isang buwan na ang nakalipas simula ng mangyari iyon.
"Susunduin kita, Prinsesa.. mamaya."
Gaya ng dati ay hindi ko na lamang pinansin si Cace at bumaba na ng sasakyan.
I heard that Laynah, Cace and the others helped capturing the psycho kaya wala sila sa back stage noong araw na 'yon.
Seryoso akong naglalakad sa hallway ng mapatigil ako. Malayo pa siya ngunit kitang-kita ko naman ang pamilyar niyang katawan. Maliit at tila kinulang sa height.
"Asy.." I whispered her name.
Tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ko kaya sinalubong ko na lamang siya sa pamamagitan ng paglakad. Ngiting-ngiti pa ang bulinggit at sinalubong ako ng yakap.
"Mommy Ice-Ice! Namiss kita!"
Humahagulhol pa ang bubwit. Nakabalik na pala ang bubwit na ito. I tapped her back.
"I was so worried about you. Excited pa naman akong pumasok sa school last month kasi makikita na kita ulit kaso, wala ka naman. Nalaman ko na lang, nasa ospital ka't may nangyari na namang hindi kaaya-aya. Bumisita ako roon pero tulog ka pa n'on. Ang putla mo pa." Aniya. Tumango na lamang ako. Naalala kong sinabi nga sa akin ni Mama na bumisita si Asy ngunit wala pa akong malay noong panahon na 'yon. Halos isang linggo rin kasi akong walang malay.
"Okay na ako. How about you?" I asked.
Bimitaw siya sa kanyang yakap at namumugto ang kanyang mata. Itong batang ito, ang iyakin.
"I'm definitely fine lalo na't maayos ka na rin." Sagot niya.
Tumango ako and I patted her head.
"Mommy Ice-Ice naman eh.. hindi naman ako aso." Reklamo niya sa ginawa ko. Napaangat tuloy ng bahagya ang gilid ng labi ko.
"Ganyan nga, Ice. Smile.." Biglang may nagsalita sa likod ni Asy na agad naming binalingan. Si Orville iyon at tila bagong gupit rin siya.
"I didn't smile." Pagmamang-maangan ko but the two just smile like an idiot.
"Duh.. we both saw it." Ani Asy. Hindi ko na lang sila pinansin at nagsimula ng maglakad. Agad naman akong hinabol ng dalawa and worse, ipinulupot pa ni Asy ang kanyang kamay sa braso ko. Parang bata na ayaw mawalay sa ina. Ugh.
Sa kabila ko naman ay sinabayan naman ako ni Orville.
"Let's begin a new chapter of our lives, together." Wika ni Orville at agad namang tumango si Asy.
Hindi ko man sila binalingan, hindi ko maiwasang mapakagat ng labi..
Together??
Surely.. We can't be together for our entire life. Bali-baliktarin man ang lahat.. I'm an Autotrophs.. I maybe planning to ruin that organization but still, I'm one of those monsters. Orville, he's a Solar. The one who fight for justice and peace. While Asy, she's out of this battle. Kung may mangyari mang hindi kaaya-aya.. she will always be the collateral damage.
BINABASA MO ANG
Code: ICE (Code Series #1)
Mistero / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...
