PROLOGUE

481 7 0
                                    

"A perfectly gift for finding upon something amazing. When someone by chance finds something worthwhile, this is known as Serendipity."

Serendipity series #2

***

"AAARCHIIITECT!"


Napasapo ako sa noo nang marinig ang boses ng kaibigan ko na si Tallie. Pagkatapak ko pa lang sa airport, bunganga na niya ang narinig ko. Tinanggal ko ang shades na suot ko at sinalubong siya kasama ang pamilya ko at ang isa ko pang kaibigan na si Zari. Hila-hila ko ang dalawang maletang dala ko nang bigla siyang yumakap sa akin.


"Ang ingay ng bunganga mo." Tumawa ako at yumakap sa kaniya pabalik.


"Na-miss kitaaaa!" ginulo ni Tallie ang buhok ko.


"Huy, kaka-bleach lang niyan." Tumawa ako.


"Anong say ng ash gray mong buhok?" Napangiti ako nang lumapit si Zari sa akin. Niyakap niya ako.


"Buti nakapunta ka." Ngumiti ako sa kaniya.


"Siyempre! Kaya kong i-ditch ang pasok ko para sa 'yo!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Kakasimula pa lang niya sa internship pero nagpunta pa rin siya rito para salubungin ang pagdating ko. I'm so excited for her. Kaunti na lang ay magiging Doctor na siya.


"Kyra, I miss you!" niyakap ako ni Aliyah.


"Anak," lumapit si Mommy para yakapin din ako. Kasama niya si Daddy at ang mga kapatid ko.


"Amoy Amsterdam, ah." Niyakap ako ni Daddy.


"Kumusta ka? Sosyal natin, ah?" pang-aasar sa akin ni Kuya Hanz.


"Pasalubong ko, Ate?" My little sister Denise smiled at me. Napairap naman ako nang pabiro.


"Pwedeng mauna na muna tayo sa sasakyan?" sabi ko kaya nagtawanan sila.


Kumapit si Tallie sa braso ko at sa kabila naman ay si Zari. Kung anu-ano nang sinasabi at kinukuwento nila sa akin kaya natatawa ako. Tumatango-tango lang ako at tumatawa dahil may jet lag pa ako. Aliyah was laughing too. Ang daldal kasi noong dalawa.


"Bukas, ah? Sa bahay mo ang welcome back party mo." Sabi ni Tallie sa akin. Tumango na lang ako.


Nakikinig lang ako sa mga kwento nila at ng pamilya ko. Nakakatuwa dahil halatang na-miss nila ako. Na-miss ko rin naman sila. It's been five years since I left for Amsterdam. It was supposed to be just a vacation. 'Yun ang alam nilang lahat.


But the two weeks vacation turned into five years.


I have reasons and they understood. Ganoon ako ka-swerte sa pamilya at mga kaibigan ko. Pinuntahan pa nga nila ako roon pero ayoko talagang umuwi. Not until I am okay. And I am now.


"Ang ganda, gago!" masayang bumaba si Zari ng sasakyan at pinagmasdan ang bahay namin na kagagawa lang.


It was my design. Habang nasa Amsterdam ako, ginawa ko ang pangarap na bahay ko para sa pamilya ko. Me and my siblings payed for it. At ngayon, natitirhan na namin.


"Okay, see you tomorrow wonderful house!" sigaw ni Tallie bago sila magpaalam sa amin.


Pumasok na kami sa bahay. Ngayon ko pa lang ito makikita sa personal. It feels surreal, though. Gago, ginawa ko 'to? Ang ganda lang naman.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon