03

185 7 1
                                    

"Nakakahiya talaga."


Kasalukuyan kaming naglalakad ni Cedric papuntang sakayan ko papuntang school. Medyo maaga pa ngayon kaya hindi ako mali-late at maaga rin nagising si Cedric para raw sabayan ako. Nakasuot pa rin siya ng usual outfit niya at dala-dala ang duffle bag niya. Nagra-rant ako sa kaniya about sa nangyaring kahihiyan ko kahapon.


"Gwapo ba? Taga saan? Ka-edad mo?" dere-deretso niyang tanong.


"Sa Ateneo nag-aaral at hindi ko alam kung ilang taon. Wala naman akong pakialam. Paka-sungit nga, eh, walang modo." Iritang sabi ko. Maalala ko lang talaga 'yung kupal na 'yon, naiinis na ako.


Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy lang ako sa pagra-rant. Kagabi ko pa gusto may mapagsabihan dahil ang hirap mag-rant kapag sa chat lang kaya ang balak ko ay mamaya ko na lang sasabihin kila Tallie pero dahil nandito si Cedric, siya na ang una kong pinagsabihan.


"Hayaan mo na 'yun. Malay mo, 'yun na pala ang makatuluyan mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Bakit naman 'yan ang naisip mo? Adik ka ba?" tumawa ako. Parang tanga naman ito. Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ng isang 'to. Ngumiti naman siya ng tipid at nag-iwas ng tingin.


"Iniisip ko lang 'yung mga bagay na mukhang imposibleng mangyari. Para kapag nangyari, hindi nakakagulat." Sabi niya nang nakangiti pa rin ng tipid.


"Adik ka ata. Ako ang nagugulat sa mga sinasabi mo, eh." Umiiling na sabi ko. Nandito na kami ngayon sa may sakayan at naghihintay na lang ng jeep na wala masyadong laman. Ayoko ng puno, ayokong makisiksik.


"Kyra," lumingon ako kay Cedric nang magsalita siya. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.


"Bakit? May problema ba?" tanong ko. Mukhang ang lalim ng iniisip niya, ah.


"Pwede bang—"


"Kyra!"


Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag sa akin. Napangiti ako nang makita si Tallie at Zari.


"Uy, anong ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanila. Parehas silang tumatawa at hinihingal galing sa pagtakbo. Buti na lang PE nila ngayon kaya komportable sila. Ano na naman kaya ang ginawa ng mga 'to?


"Kanina pa kami magkasama. Ito kasing si Zari, eh, nagpasama hulihin 'yung jowa niyang cheater!" sabi ni Tallie kaya tumawa si Zari. Tumatawa siya pero halatang nasasaktan. Mukhang alam ko na ang nangyari.


"Nahulo niyo ba?" tanong ko. Natahimik si Zari kaya parehas kaming napatingin sa kaniya ni Tallie bago muling tumingin sa isa't isa.


"Pumasok na lang muna tayo." Sambit ni Tallie na sinang-ayunan ko. Tumingin ako kay Cedric na nakatingin lang sa akin.


"Pasok na kami, okay lang? Pasok ka na rin kahit medyo maaga pa." Sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Kumaway din siya kila Tallie pero si Zari mukhang malalim na agad ang iniisip kaya hindi na napansin si Cedric.


Sumakay na kaming tatlo ng jeep ng may dumaan. Tumingin ulit ako kay Cedric at kumaway. Kumaway din siya at tipid na ngumiti. Parang may kakaiba sa kaniya ngayon, ah?


"Ang pogi noon, ah. Bet mo?" bulong sa akin ni Tallie kaya napatingin ako sa kaniya.


"Sira ulo. Kaibigan ni Kuya 'yon." Sabi ko. Tumawa siya at tumango-tango na lang. Parang kapatid ko na rin 'yun, eh!


Hindi ko maisip na magugustuhan ko si Cedric in a romantic way. Para ko na siyang Kuya, eh. Gwapo naman siya at sa unang tingin talagang mapapatitig ka. Ang bagsak niyang buhok tuwing umaga na sa biyahe pa lang niya inaayos ay mas nakakadagdag sa karisma niya. Mabait pa siya at ma-respeto.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon