14

119 5 0
                                    

"Shit."


Agad ko siyang tinulak nang matauhan ako. Mukhang nagulat din siya sa pagtulak ko at agad nag-iwas ng tingin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat at sa ginawa kong pagtugon sa halik niya.


Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin na rin siya sa akin nang seryoso. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon ginawa. Bakit niya gagawin 'yon kung wala namang kami?


Nilakasan ko ang loob ko na talikuran siya at agad na tumakbo paalis. Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa makalabas ako ng building. Pumunta muna ako sa may gilid at sumandal doon. Napapikit ako at mahinang inuntog ang ulo ko sa pader na sinasandalan ko.


"Ano ba 'to..." Bulong ko.


Naguguluhan na ako. Naguguluhan ako kasi hindi naman ako sigurado sa nararamdaman niya. Ayokong umasa pero kapag hinalikan niya ako ibig sabihin gusto rin niya ako? O trip lang niya ako?


Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito buong buhay ko. Kaya natatakot at naguguluhan ako. Kasi alam ko sa sarili kong lalalim pa ang nararamdaman kong ito.


"Ah!"


Napasigaw ako nang may biglang humatak sa akin at inilapit ako sa kaniya dahilan para mapasandal ako sa dibdib niya. Agad niyang sinalo ang baywang ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Gio na seryosong nakatingin sa akin.


"Talagang iniwan mo akong mag-isa roon? Really? Kyra?" mahihimigan ang inis sa boses niya.


Hindi ako nakasagot at sinubukang kumalas pero hinatak pa niya ako palapit.


"Gio, ano ba..."


"Mag-uusap tayo." Mariing sabi niya.


"Hindi naman kailangan ganito ka-lapit." Buong lakas kong kinalas ang sarili ko sa kaniya at inayos ang salamin kong nagulo na.


"Look at me." Utos niya. Malalim akong bumuntong hininga at buong lakas na tiningnan siya sa mata kahit na hinang-hina na ako.


Seryosong-seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon. But he also looked like he was guilty. Sa paraan ng tingin niya na 'yon ay parang sinasabi niyang humihingi siya ng tawad.


I can see emotions in your eyes, Gio. I hope it will always be like this.


"I'm sorry. I was taken by my emotions." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.


"Your emotions?" tumawa ako nang sarkastiko. "Anong emosyon? Gio, hindi ako laruan, ha." Sabi ko na nagpakunot noo sa kaniya.


"May sinabi ba ako? Tingin mo ba kaya ko ginawa 'yon dahil pinaglalaruan kita? Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin?" galit na sabi niya. Napaiwas naman ako ng tingin.


Okay. Siguro mali ako roon. Pero malay ko ba. Siya 'tong magulo kaya anong gagawin ko? Ang hirap kayang hulaan ng mga kilos niya.


"Ano ba tayo?" buong lakas na tanong ko. Hindi siya nagulat at nanatili lang seryosong nakatingin sa akin.


"Ano sa tingin mo?" seryosong tanong niya pabalik.


"Kita mo 'to. Tinatanong kita tapos tanong din ang isasagot mo sa akin? Ayos mong kausap." Pikon na sabi ko. Hindi ko na talaga kinakaya ang inis ko.


"Hindi ba obvious, Kyra?" mas pikon na sabi niya. "Why do you think we're having an everyday conversation, huh? Bakit tayo lumalabas? Bakit kita hinalikan?"


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon