32

136 5 2
                                    

"What time is it?"


Nanatili akong nakatingin kay Gio nang lingunin niya si Gwen na nagtatanong ng oras.


"Close to midnight." Malamig na sabi ni Gio. Tumingin siya sa akin. "Hindi ka pa ba bababa? Uuwi na kami." Walang emosyon na sabi niya.


Tumikhim ako at nag-iwas na ng tingin sa kaniya. Tumingin ako kay Gwen at nginitian siya.


"Magpahinga ka na agad pag-uwi niyo, ha." Paalala ko sa kaniya at tumingin ulit kay Gio. "Thank you sa paghatid."


Gusto ko siyang batiin pero nahihiya ako. The atmosphere was too awkward to even utter a word. So, I chose not to.


"Bye, Ate! Next time ulit!" Ani Gwen. Ngumiti na lang ako sa kaniya at tumango. Sumulyap pa ako kay Gio pero hindi siya nakatingin sa akin kaya bumaba na lang ako.


Pinanood ko silang umalis at nanatiling nakatitig sa sasakyan ni Gio hanggang sa hindi ko na sila matanaw.


Bakit ko ba nakalimutan na birthday niya? Okay lang naman 'yon dahil hindi ko naman obligasyon na batiin siya. But the look on his face... He looked like he was hurt. Nasaktan ba siya dahil hindi ko siya binati? Bakit naman siya masasaktan? Big deal ba 'yon? Kasi para sa akin hindi.


Pumasok na ako sa kwarto at umakyat. Tulog na ang mga tao rito sa bahay bukod sa kuya ko na hindi pa nakakauwi. Naligo at nag-ayos na ako bago humiga sa kama ko at kinuha ang cellphone ko.


I saw multiple IG stories from some of my following. Binati nila si Gio. And none of it were reposted by the birthday boy. Siguro pinasalamatan lang niya through replying but not reposting.


Iniisip ko kung ime-message ko pa ba siya para batiin. Pero patapos na ang birthday niya. Napaisip tuloy ako. Ganoon ba ako ka-busy para makalimutan na birthday niya? O sadyang wala talaga akong pakialam.


Pero hindi naman ako ganoon, eh. Baka nawala lang talaga sa isip ko. I still care for him. Hindi naman 'yon mawawala.



Dumaan ang isang linggo at naging busy ako dahil sa trabaho. Sinisimulan na ang bahay ni Riza kaya araw-araw akong nasa site. Pumupunta rin ako sa isa ko pang kliyente. Kaya mas mabuti talagang dalawa lang muna ang tinanggap kong trabaho.


"Kyra, my love!" Napalingon ako kay Tallie na kumakaway sa akin habang bumababa ng sasakyan niya. Napangiti ako at lumapit sa kaniya. Pinuntahan talaga niya ako rito sa site ng bahay ni Riza para bisitahin.


"Anong kailangan mo?" tanong ko.


"Grabe, may kailangan agad? Hindi ba pwedeng na-miss lang kita dahil ang hirap-hirap mong hagilapin?"


"Nagtatrabaho kasi ako."


"Aba, nagtatrabaho rin ako." Tumatawang sabi ko. "Oh, sige na, tara roon sa tent." Sabi ko at sabay kaming pumunta sa office rito.


Saglit lang din kami rito dahil kakain kami sa labas kasama si Zari na walang duty kaya may oras para sa amin.


"Ganda nito, ah." Sabi ni Tallie habang tinitingnan ang hitsura ng bahay na tinatayo.


"Siyempre. Baka ako gumawa niyan." Nakangiting sabi ko.


"Tsh. Yabang mo. Nahawa ka na talaga sa ex mo 'no?" Nawala naman ang ngiti ko sa sinabi niya. Natawa agad siya nang mapansin ang reaksyon ko. "Joke lang! Hahaha! Sabi na at ganiyan ang magiging reaksyon mo, eh." Pang-aasar niya.


"Everytime na magkikita tayo, hindi na nawala sa bibig mo ang ex ko." Reklamo ko sa kaniya. "Gustong-gusto mo talaga ang usapang ex 'no?"


"Hoy! Hindi, ah!" pinandilatan niya ako. "Gusto lang kitang asarin."


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon