24

114 3 0
                                    

"Bwisit! Bwisit!"


Inis na umupo sa tabi ko si Riza. Nandito kami ngayon sa gazebo at gumagawa ako ng plates. Kaaalis lang ng mga ka-block ko at saktong dumating si Riza, inis na inis.


"Ano na naman ba'ng problema mo?" tanong ko habang binubura ang ilang sketch na nagawa ko.


First year has been tough. At ngayong second year, mas naging mahirap. Expected ko naman na. Lalo na kapag tumuntong na ako sa third, fourth, at fifth year. May board exam pa. Mahaba-haba pa ang tatahakin ko kaya wala pa ito sa hirap na pagdadaanan ko sa future.


"Owen's confusing me! Parang nung isang araw ang sweet niya sa akin! Tapos sasabihin niya sa akin ngayon na kaya siya ganoon dahil may problema ako?! Ang paasa niya! Nakakainis! Nakakapagod!" napasabunot siya sa sarili niya.


"Bakit ba kasi nag-assume ka? Hindi ba't malinaw naman sa 'yo na kaibigan lang talaga ang turing niya sa 'yo? Ikaw 'tong umaasa hanggang ngayon, eh, simula bata kayo, dinededma ka na." Prangkang sabi ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa pag-drawing. Mas mabuti nang malaman niya ang totoo kaysa naman patuloy siyang umasa. Alam naman na niya ang totoo, sadyang tanga lang siyang umaasa na makikita rin siya ng lalaking simula bata pa lang ay mahal na niya.


"Because I want to!" pinunasan niya ang luhang tumulo mula sa mata niya. "You won't understand how it feels, Kyra. Kahit na sinasabi ng utak ko na tama na, palaging sinasabi ng puso ko na sige pa. Sige lang. Magpakatanga ka lang. Mapapagod din naman."


Tumingin ako sa kaniya. "Hindi ba't pagod ka na?"


"Oo, pagod na pagod na akong maghabol. Pagod na akong siya lang ang mahalin ko. Pero hangga't kaya ko pa, lalaban ako. Bakit ako susuko? Eh, hindi ko pa nga siya nakukuha!" Madrama niyang pinunasan ang mga luha niya. Hindi ko mapigilan ang mag-alala para sa kaniya.


"Suko na kasi kung pagod na. Suko na kung wala namang pagasa." Payo ko sa kaniya. Maganda naman si Riza. Maganda rin ang personality niya kaya sigurado akong makakahanap pa siya ng iba. 'Yung tipong mamahalin siya na deserve niya.



"Hindi ganoon kadali. We've been together since birth, Kyra. Siya 'yung nasasandalan ko noon pa man. Kaya kahit hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin ngayon, umaasa pa rin ako na hihigit pa roon." She wiped her tears. "If it's Owen, I will always believe in chances." She gave me a sad smile. "Hindi mo maiintindihan dahil magkaiba tayo ng sitwasyon. Tanga ako, oo. Pero tanga ka rin panigurado kay Gio."


Napangiwi naman ako sa sinabi niya at tumawa na lang. Hindi ko alam kung sasang-ayon ba ako sa kaniya na tanga ako pagdating kay Gio. Wala pa naman kasing nangyari na nagpakatanga ako. I hope there will never be a situation in where I would have to choose between what I think and what my heart desires. Mahirap 'yon. Ayoko ng ganoon.


"Anyway, diba Amsterdam is your dream?" biglang tanong ni Riza. Wow. Pagkatapos umiyak biglang mag-iiba na ng mood?


"Bakit?"


"Well, I have an offer for you. But this offer will be available after 3 years." She laughed.


"Anong offer?"


"I have a cousin who opened a construction firm in Amsterdam. Launching na 'yon in a month."


Napakunot ang noo ko. "Tapos?"


"Tapos, siyempre, lalago 'yon. Ngayon pa lang, kilala na roon. You know, my cousin is known in Amsterdam as one of the youngest successful Architect. Magaling 'yon, eh!" proud na sabi niya.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon