02

204 6 2
                                    

"Aubree!"


Masayang sigaw ni Kuya Hanz nang makita namin si Ate Aubree na hinahanap kami. Kaka-land lang ng eroplano na sinakyan niya. Kumaway kami at agad siyang napangiti nang makita kami.


"Kuya!" Sinalubong kaagad siya ni Kuya at agad silang nagyakap. Sobrang malapit sila sa isa't isa dahil magkasama na sila simula nang ikasal ang magulang namin at hindi pa kami buo ni Denise nung naging isang pamilya sila.


"Kumusta ka, anak?" niyakap ni Mommy si Ate at ganoon din si Daddy. Kaagad akong lumapit kay Ate at niyakap siya nang matapos sila.


"Welcome back!" masayang sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko.


"Balita ko umiinom ka na, ah?" pinagsingkitan niya ako ng mga mata.


"Luh?" tumawa ako. Sinumbong siguro ako ni Kuya!


Dalawang taon ang tanda sa akin ni Ate Aubree. Close rin kami dahil inalagaan niya ako nung bata ako. Kaming tatlo nina Kuya Hanz ang madalas maglaro noon dahil hindi pa buhay si Denise.


"Na-miss ko kayo!" masayang sabi ni Ate at sabay-sabay na kaming lumabas ng airport.


Kung anu-anong kwento ang tinanong ni Kuya kay Ate. Napakadaldal talaga kahit kailan. Siya ang pinakamadaldal sa aming magkakapatid, sumunod si Denise. Kami ni Ate Aubree ang tahimik lang at minsan lang mag-ingay. Palagi rin kasi kaming nalalamangan ng bibig ng dalawa.


Sa bahay kami dumeretso dahil doon na kami magdi-dinner at hindi na sa labas dahil gusto raw ni Ate na sa bahay na lang.


Masaya kaming nagkukuwentuhan habang kumakain. Puno kami ng tawanan at asaran dahil kay Kuya Hanz at Denise. Nagsama pa ang bunganga ng panganay at bunso.


"Bakit ka ba nag-drop? Ayaw mo na ba roon? Anong sabi ng Daddy mo?" sunod-sunod na tanong ni Mommy kay Ate kaya lahat kami ay bumaling sa kaniya, naghihintay ng sagot.


Natigilan siya at ngumiti ng tipid.


"Ah, sinuportahan naman po niya ako." Lumapad na ang ngiti niya. "Tsaka, gusto ko rin dito mag-aral. Siyempre, para nababantayan ko ang mga kapatid ko. For sure, kailangan na nila ng Ate kasi sawa na sila sa Kuya." Tumawa siya at tumingin kay Kuya Hanz.


"Oy, ang kapal mo! Ang sabihin mo, nami-miss mo kami! Bakit? Sawa ka na ba roon sa puder ng tatay mo?"


"Hanz." Pinanlakihan ng mata ni Daddy si Hanz.


"Hindi naman. Pero oo, nami-miss ko kayo at mas masaya ako rito."


May ibang pamilya na rin ang tatay ni Ate Aubree at may iba na ring anak. Maayos naman siya roon pero masasabi kong mas masaya nga siya rito. Kaya lang ang tatay niya ang nagpapaaral sa kaniya kaya nga nagulat ako na pinayagan siya umuwi.


Matapos naming kumain, nagpahinga na kami dahil may pasok pa bukas at si Ate at may jet lag pa. Halos 19 hours ang flight niya. Kahit siguro ako ang nasa lugar niya, baka bagsak na kaagad ako dahil sa pagod.


Kinabukasan, tamad na tamad akong bumangon at si Ate Aubree lang ang gumising sa akin. Twenty minutes na lang at late na ako. Kung wala si Ate Aubree, panigurado ay hindi pa ako gising. Hindi naman kasi ako ginigising ng mga tao rito dahil alam nilang hindi ako babangon. Si Mommy naman ay maaga umaalis dahil may trabaho sa isang Real Estate company.


"Okay lang ma-late. At least, hindi absent." Tumatawang sabi ko sa kaniya. Katatapos ko lang maligo at late na nga ako dahil thirty minutes na ang nakakalipas at malamang ay nagsimula na ang first subject namin.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon