04

164 5 1
                                    

"Isang roar nga diyan?"


Tumawa ako sa pang-aasar ni Guillian. Nandito kaming lahat sa may Legarda Station at nagkukuwentuhan habang hinihintay sina Zari at Jayce.


Its our first day as Grade 11 students. Sa nagdaang buwan, ito kami at sumasabak sa panibagong yugto na naman ng buhay namin. We got admitted in different universities here in Manila. Medyo malungkot dahil hindi na kami iisa ng school pero kahit papaano, may kasama pa rin ako.


Tallie, Zari, Benj, Jayce, Leon, and I, are now Bedans. 'Yun ang tawag sa mga estudyante ng San Beda. Pwede rin namang Bedista.
Habang ang iba naman sa mga kaibigan namin ay sa iba't iba ring universities dito sa Manila.


"Ingat ka, ah. Baka mamaya, makakita ka ng gwapo tapos ipagpalit mo na ako." Narinig kong sabi ni Benj kay Aliyah. Umirap si Aliyah at bumuntong hininga.


"Tara na! Mali-late na tayo!" Napalingon kaming lahat kay Zari na hila-hila si Jayce.


"Wow, ha? Kung sana inagahan mong gago ka." Asik ni Tallie sa kaniya.


Nagpaalam na kami sa isa't isa at tsaka kami dumeretso ng mga kapwa Bedans ko sa may main gate. May LRT gate na nakakonekta sa Beda para mas maikli ang lalakarin pero dahil first day pa lang, dapat sa main gate daw pumasok.


Pagkapasok, bumungad sa amin ang ibang estudyante na may kanya-kanyang grupo. Napangiti kaming magkakaibigan dahil medyo nae-excite kami. May mga ilang estudyante na nagda-drums na mukhang mga Grade 12 na at parte ng SBU Band na tinatawag nila. Mayroon ding maskot na Lion kaya tuwang-tuwa si Tallie na lumapit doon.


"Picture kayo!" A girl holding a camera went to us. May kasama siyang dalawang lalaki na may hawak na malaking frame na may nakalagay na logo ng San Beda at sa baba nito ay may hashtag na 'READY TO ROAR'.


Pumwesto kaming anim para magkasya sa frame. Hawak-hawak ng dalawang lalaki ang frame sa magkabilang dulo at tsaka kami ngumiti lahat.



"Anong section mo?" tanong ni Zari sa akin.


Hinanap ko ang pangalan ko sa papel na nakalagay sa may malaking bulletin board dito sa may St. Maurs building. Dito nakapaskil ang mga sections naming lahat.


"STEM 2." Sabi ko na ikinalungkot ng mukha niya.


"Hindi tayo magkaklase!"


Lahat kami ay hindi magkakaklase. Lahat kami ay STEM except kay Tallie na HUMSS pero hindi pa rin kami magkakaklase. Okay lang din naman dahil magkikita-kita pa rin naman kami.


Akala ko noong una, maaarte ang mga kaklase ko pero hindi naman pala. Mababait sila at parang kami lang ding magkakaibigan, mga baliw. Pero mas mayaman sila dahil ang iba ay galing sa probinsya na may mga business. Ang iba naman ay hindi sanay sa Manila dahil hindi sila lumaki rito.



Hindi madali ang buhay bilang Senior high student. Ang daming ginagawa lalo na nasa university na kami. Nakakapagod at nakaka-stress. Kung marami na ang ginagawa noon, mas marami na ngayon. Tamad na tamad na nga akong pumasok at madalas pa akong late.


Buong school year bilang Grade 11, palagi akong late. Wala naman akong bagsak na subject at kahit sa conduct. Mabait naman ako, eh. Sadyang lagi lang akong late at minsan tulog pa ako. Ang lamig kasi sa room dahil sa lakas ng aircon.


Totoo ang sinabi nila na parang college na ang Senior high school. Kumbaga parang practice talaga namin ito para mas maging handa kami sa college. Sabi ko nga sa sarili ko, magsisipag na talaga ako pero hindi ko masyado natupad 'yon noong Grade 11.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon