40

159 5 0
                                    

"Congratulations mga bobo!" sigaw ni Ryle.


"You are so lucky to have me in your proposal." Nakangising sabi ni Archer. Natawa naman ako.


"You are the one who suggested to do this kind of proposal." Napatingin ako kay Gio sa naging sagot niya. "Private proposal ang gusto ko pero nagpumilit silang tatlo na sumama." He looked at me.


"It's for memories. A great one." Ngumiti si Callum.


"Oo, tsaka dapat kasama kami dahil saksi kami sa mga katangahan niyo!" Sumama ang tingin ni Gio kay Ryle. "Dapat nga narito rin si Tallie pero—"


"Let's give the two a privacy now, shall we?" Agad na pinutol ni Callum ang sasabihin ni Ryle at sabay-sabay kaming napatingin kay Archer na tipid na lang nakangiti.


Awkward akong napangiti at napailing na lang sa kanila. Hinawakan ko ang kamay ni Gio at nagngitian kaming dalawa. We were just so happy to the point that we didn't mind other people but only us.


The three of them wanted to eat with us pero pinalayas na sila ni Gio which Callum was the only one who agreed. Wala rin naman magagawa 'yung dalawa kaya no choice sila kundi ang umalis na.


Napagdesisyunan namin ni Gio na dito na lang kumain. Archer let us stay here. Pinasara pa niya ito para sa amin para raw kami lang dalawa ang tao. Itong magkaibigan na 'to talaga. The things they do to support each other. Silang lahat na magkakaibigan. Kahit na wala si River dito, ang sabi ni Gio siya raw ang nag-suggest na i-surprise ako. Tapos 'yung iba ang nag-suggest ng idea kung paano.


We ordered a simple fast food dahil trip naming mag-burger lang. We were reminiscing the times we were doing these kind of things when we started dating.


"18 lang ako noon." Hindi-makapaniwalang sabi ko. "I'm so young." Natawa ako nang maalala kung gaano nga kami ka-bata noon. He was just twenty back then.


"Who would have thought that we were going to end up with each other?" tumawa siya bago kumagat sa burger niya. Nakaupo lang kami sa sahig, sa tapat ng malaking bintana at pinagmamasdan ang view.


"Nakakairita ka nang sobra noon. Grabe ka mamikon. Tapos ikaw din naman ang mas pikon!" reklamo ko sa kaniya.


"Ang saya mong asarin, e. It was a first time for me that someone was that rude, the first time she met me. Gustong-gusto kita gantihan, kaya ayon."


Tumawa ako nang malakas sa sinabi niya. "HAHAHA! I'm not going to say sorry for that. Deserve mo." Sumama ang tingin niya sa akin kaya mas natawa ako. I leaned closer and gave him a kiss on his cheek.


Natahimik kami saglit at parehas na pinagmasdan ang view. The buildings were all lighted up. They were so beautiful. Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa mga nangyayari. It was perfect. His proposal... Him being with me right now.


Tumingin ako kay Gio at nakitang nakatulala lang siya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. Napatingin siya roon bago tumingin sa akin.


"Thank you for waiting for me." Sincere na sabi ko sa kaniya. "Thank you for coming into my life again."


Sandali siyang napatitig sa akin bago tipid na ngumiti. He caressed my hand and held it tighter.


"Thank you for accepting me again in your life."


I smiled and rested my head on his shoulder. Sabay naming pinagmasdan ang mga buildings sa likod ng bintana.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon