39

126 3 0
                                    

"Kanina ka pa?"


Sinalubong ako ng yakap ni Gio at hinalikan sa pisngi.


"Hindi naman."


I arrived a few minutes ago at pumasok na ako nang deretso sa bahay ni Gio dahil pinapasok naman ako ng driver nila rito. Nandito siguro ang nanay ni Gio kaya mayroong driver. I waited for him at their living room.


"Huwag kang kabahan, umalis ang nanay ko." Tumawa siya, nahalata ang kabadong hitsura ko.


Kasi naman, biglaan! Hindi ko alam na andito ang nanay niya. She's probably out with Gwen. Tapos isabay mo pa 'yung letter ni Gio na nabasa ko! Edi, sobra-sobra na 'yung iniisip ko.


Pero hindi ko na muna iyon sinabi sa kaniya dahil may importante kaming kailangan asikasuhin ngayon.


Nagbihis lang saglit si Gio bago kami sumakay ng sasakyan niya at dumeretso ng alis papunta sa pagkikitaan namin ng lawyer na kinuha niya.


"I went to the office a while ago. Guess what? He slapped me." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sinampal siya ng senior niya?!


Agad kong hinawakan ang mukha niya nang marahan. Ngayon ko lang napansin na medyo namumula nga 'yon.


"Love, I'm driving." Tumawa siya nang subukan kong itagilid ang mukha niya para mas makita ko ang pisngi niya.


"Sorry." Bumitaw na ako at napabuntong-hininga, pinipigilan ang sariling magalit. "Why did you let him hurt you? Ikaw? Papayag?"


"Of course not. Ang bilis masyado ng pangyayari. I'm not a fighter so I don't know how to dudge quicky." Paliwanag pa niya.


"Gusto mo sampalin ko rin?" Tumawa siya sa sinabi ko.


"Gagawin mo 'yon?" tinaasan niya ako ng kilay, naghahamon.


"Oo! Wala siyang karapatan sampalin ka 'no!"


"Wala talaga."


"Bakit hindi ka lumaban? Dapat sinapak mo rin, e."


"Hindi ko na idadampi ang kamay ko sa mukha niya. Madudumihan lang." Sagot niya na nagpaawang ng labi ko. Napangiti naman ako at napailing.


"Sabagay. That's so you."


"And I could use that against him. He doesn't have the right to hurt me or anyone. Balita ko ay sinasaktan din niya ang bagong pasok na fresh grad. He's an asshole."


"Dapat lang talagang makasuhan siya!"


When we arrived at his lawyer's office, agad naman kaming inasikaso nito. He was recommended by Callum. Kaibigan daw niya.


"Engineer Tavera. Nice to finally, officially, meet you." Nakangiting bati niya kay Gio at naglahad ng kamay.


"Attorney Davies." Tinanggap naman ni Gio ang kamay nito. Bumaling naman sa akin si Attorney Davies. "This is my girlfriend, Architect Cortez."


"Nice to meet you too, Architect." He offered his hand to me with a wide smile on his face.


"Nice to meet you too, Attorney. Kahit Kyra na lang."


Ngumiti siya at tumango bago kami sinenyasan na maupo. Umupo kami sa harap niya habang siya naman ay ganoon din. We were sitting on the sofa here in his office. Malaki ang office niya. Hindi na ako magtataka dahil siya naman ang may-ari ng law firm na ito.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon