23

110 5 1
                                    

"Ang ganda, gago!"


Masayang kinuha sa akin ni Tallie ang regalo ko kay Gio. Simple lang naman ang regalo ko pero pinaghirapan ko talaga. Today is our first anniversary. Pinaint ko ang picture naming dalawa noong birthday ko sa canvas. Pinagpaguran ko 'yon ng halos dalawang buwan. Naka-ilang ulit at bago ako kaya sigurado akong maganda naman ang gawa ko.


It was a selfie of us. Magkadikit ang pisngi naming dalawa at nakangiti. We were both wearing our glasses.


"I-paint mo nga rin kami ni River!" tumawa si Zari.


"Mahirap, gago." Tumawa ako. "Sa tingin niyo ba magugustuhan ni Gio 'yan?" tanong ko sa kanilang dalawa. Naglalakad na kami ngayon palabas ng UST. Himala at nagkasundo ang oras naming tatlo kaya nagkasama kami.


"Oo naman 'no! Sino bang hindi magugustuhan ang ganito? Ito 'yung regalong masasabi mong priceless talaga." Nakangiting sabi ni Tallie habang tinititigan pa rin ang painting.


"Mismo. Mas mahal pa 'yan kasi hindi naman kayang bilhin ng pera." Zari nodded.


"True. Made with love pa."


Napabuntong-hininga ako at kinuha na sa kanila ang regalo ko. Sana magustuhan niya talaga 'to. I didn't do one of my plates for this. Late ko na napasa ang plate ko na 'yon. Mabuti na lang at tinanggap pa ng prof.


"Speaking of made with love, nag-sex na kayo ni Gio?" Napaubo ako bigla sa tanong ni Zari. Bakit naman ganoon?!


"Ano ba 'yan, Zaria! Ang bastos naman ng bunganga mo!" reklamo ni Tallie at nagtakip ng tainga.


"Bakit?" Tumawa nang malakas si Zari. "Nagtatanong lang, eh. Kasi kung oo, inggit ako! Napaka-bagal ni River. Laging nagpipigil. Sa susunod baka ako na ang hindi makapagpigil." Tumawa siya nang magtakip lalo ng tainga si Tallie. Natawa lang ako sa kaniya at napailing.


"Hindi minamadali 'yon. Wala nga 'yun sa isip ko, eh."


Totoo namang wala sa isip ko ang ganoong bagay. Hindi naman kasi importante 'yon. At tsaka, hindi ko alam kung handa na ba ako para sa ganoong bagay.


Nang makauwi sa bahay, nag-ayos na kaagad ako dahil may dinner date kami ni Gio. Himala nga at free siya ngayong araw. Siguro dahil bumabawi talaga siya dahil noong mga nakaraang araw ay sobrang busy niya. Ngayong araw na lang ata ulit kami magkikita after two weeks. Saktong anniversary namin.


Hindi ako makapaniwalang umabot kami ng isang taon. Hindi naman sa hindi ko nakikitang tatagal kami pero ngayon lang ako tumagal sa isang relasyon. Talagang malalim na ang nararamdaman ko para kay Gio. Nakakatakot pero masaya ako. Humihiling din ako na sana... sana tumagal pa kami.


"Ganda mo naman." Lumingon ako sa may pintuan ng kwarto ko nang marinig si Kuya Hanz.


"Ano na namang kailangan mo?" tanong ko. Humarap na ulit ako sa salamin.


I'm wearing a simple white slip dress. Matagal na akong mayroon nito at masaya ako dahil finally, masusuot ko na. I paired it with a 2-inch heels. Formal na formal ako ngayon. Nakaka-excite! First time ko 'to.


"Dalaga ka na talaga. Hindi ka na ang baby sister kong uhugin." Sinamaan ko ng tingin si Kuya Hanz mula sa salamin. Kitang-kita ko siya roon dahil nakaupo na siya sa kama ko habang nakatingin sa akin.


"Anong trip mo?" lumingon ako sa kaniya. "Nalulungkot ka ba kasi may boyfriend ako? Sus, ikaw naman. Mag-girlfriend ka na kasi para hindi ka naiinggit sa akin."


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon