22

113 5 0
                                    

"Kyra... Love, wake up."


Nagising ako sa mahinang tapik sa balikat ko. Mukha ng boyfriend ko ang unang nakita ko, bagong ligo at nakabihis na. May lakad ata siya ngayon para sa thesis nila.


"Pwede mamaya na? Ako na lang mag-isa uuwi." Inaantok na sabi ko at niyakap ang katabi kong unan at pumikit ulit.


"No. Get up. Ako ang maghahatid sa 'yo pauwi."


Wala akong nagawa nang sapilitan niya akong hilahin paupo kaya inis ko siyang tiningnan. Antok na antok pa ako.


"Maligo ka na at bumaba para mauwi na kita." Sumama ang tingin ko sa kaniya. Bakit ba madaling-madali siya? Ayaw na ba niya ako kasama? "I know what you're thinking. Kailangan ko lang pumunta ng UP para asikasuhin ang thesis namin doon."


"Hindi mo naman ako kailangan itulak palayo, eh. Pwede naman kasing ako na lang umuwi mag-isa mamaya."


"Ayokong umuwi ka mag-isa." Mahina niyang pinitik ang noo ko kaya napapikit ako. Ngunit agad naman niya 'yon dinampian ng halik. "Babawi ako."


Naligo na ako at nag-ayos bago bumaba. Pagkababa ko, may pagkain na nakahanda na niluto ni Gio. Palagi niya akong nilulutuan everytime na narito ako sa bahay niya.


"Can you eat for five minutes?" Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.


"Gago ka ba?"


"Joke lang." Mahina niyang pinitik ang noo ko. "Kumain ka na. May tatawagan lang ako." Kinuha niya ang cellphone niya bago lumabas.


Kumain na lang ako at nag-iscroll lang sa social media. He cooked his special omelette with tomatoes. Pinindot ko ang nag-pop up na message ni Tallie nang mag-chat siya sa Messenger.


Tallie Garcia: Look at my eyes hehe


Kumunot ang noo ko nang makita ang picture na sinend niya. Selfie niya 'yon at namumula ang mga mata niya, halatang bagong iyak. Nag-alala kaagad ako.


Kyra Cortez: Anong nangyari?

Tallie Garcia: Wala naman. Stressed lang ako kaya umiyak HAHAHAHA


Napakunot ang noo ko. Hindi na naman siya nagsasabi. Hindi ko alam kung paano ako magtatanong ng hindi mas makakaapekto sa kaniya. Minsan kasi kapag mas tinatanong mo ang isang taong may problema, mas malulungkot at maiiyak sila.


Kyra Cortez: Pahinga ka na muna at mukhang pagod ka


Hindi na siya nag-reply pagkatapos noon. Alam kong kailangan lang niya ng oras tapos okay na rin siya mamaya. May mga tao talagang mas pipiliin sarilihin ang problema. Minsan, ganoon din ako.


Maya-maya ay bumalik na si Gio. Sakto dahil tapos na rin akong kumain. Hinatid lang niya ako sa bahay bago siya nagpaalam na umalis na.


Malalim akong bumuntong hininga hanggang sa hindi ko na matanaw ang sasakyan niya. Pumasok na ako sa bahay at dumeretso ng kwarto ko at agad na humilata. Wala ang magulang ko at alam naman nila na hindi ako uuwi kagabi kaya hindi na nila ako hinanap. Hindi ko lang alam kung alam nila na kila Gio ako natulog.


Pumikit ako at dinama ang malambot kong kama. Pero agad akong napadilat nang makapa ko ang daliri ko sa kanang kamay ko.


Fuck.


Gago, nawawala ang singsing ko!


Agad akong tumayo at tiningnan ang mga daliri ko pero hindi ko makita! Tiningnan ko na rin ang sahig ng kwarto ko pero wala rin. Pati na rin ang lahat ng nadaanan ko kanina sa bawat sulok ng bahay wala pa rin akong makitang singsing!


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon