35

144 5 0
                                    

"Saan tayo?"


Napatunganga ako sa sinabi ni Gio. Hinila-hila niya ako tapos bigla siyang titigil para magtanong kung saan kami?!


"Wala kang plano?!" inis na tanong ko sa kaniya.


"Meron." Tumingin siya sa paligid. "But I don't know where to start here." Napasapo ako sa noo ko. Nasa may gilid lang kami ng daan, malayo ng kaunti sa company namin. "But you do, so, lead the way." Nginitian niya ako na para bang sinasabi niyang sundin ko ang sinabi niya.


Inirapan ko siya at nilabas ang cellphone ko para mag-book ng car. "Punta-punta rito tapos 'di naman pala alam kung saan pupunta."


"I asked Riza to tell me the address of your company. Kanina lang naman ako dumating. Just a vacation."


Tumingin ako sa kaniya at nakitang prente siyang nakasandal sa may pader at nakatingin sa akin. Nakangiti pa! Ang nakakainis, nakakaasar 'yung pagkakangiti niya! Hayop talaga 'to, eh!


Nang makapag-book na ako ng sasakyan, sumakay na kami. Wala siyang tanong-tanong kung saan kami pupunta na para bang ako na talaga ang pinag-bahala niya.


At ito naman ako, ginagawa ang sinabi niya. Pumayag akong mamasyal kami rito kahit na may gumugulo sa isip ko.


Baka dahil gusto ko rin talaga siya makasama. Exploring Amsterdam, my dream country, with him, was part of my dreams before.


We went first in the famous neighborhood in Amsterdam named Jordaan. This is one of my favorite place here in the city. You can see the charming narrow streets that give way to flower-lined canals.


"It's pretty good here. Why didn't you choose this as your home?" tanong ni Gio habang naglalakad kami at pinagmamasdan ang mga bahay.


Napangiti ako bigla sa tanong niya. "I don't intend to buy a house here. Okay na ako sa apartment."


"Why? I thought you're gonna live here for good?" Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin.


Tumingin din ako sa kaniya. He looked like he really wanted to know. "I don't want a house without my family. Kung hindi sila kasama, sa apartment na lang ako titira." Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago naglakad ulit.


May mga nagtitinda ng small souvenirs dito kaya naisipan ni Gio na bumili. Napapangiti ako habang pinapanood siyang mamili at mapailing kapag hindi niya nagustuhan. Mukha pa siyang naba-bad trip kapag walang magandang mapili. Eh, lahat naman magaganda, maarte lang talaga siya.


He end up not buying anything. Baka sa Duty Free na lang daw siya bumili, parang tanga talaga.


Sunod naming pinuntahan ay ang Vondel Park. Nagtaka ako kung bakit siya nagpunta sa isang store at paglabas ay may dalang parang kumot.


"Let's have a picnic." Ngumiti siya at naunang maglakad papunta sa lugar na may mga taong nagpi-picnic din.


We bought food a while ago. Akala ko sa may park na may tables namin kakainin 'yun pala rito sa may grass.


Natawa ako nang hindi niya pa maayos ang paglalatag doon. Inabot siya ng ilang minuto para ayusin pati ang pagkain namin.


I watched him do that. I watched him do the things he usually don't. Hindi siya mahilig sa ganito, eh. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito ngayon tapos ako pa ang kasama niya.


"Upo na hoy," sabi niya at naunang umupo roon. Sumunod naman ako at nagsimulang kumain.


Habang kumakain kami ng burger na in-order namin, nakatitig lang siya sa may lake.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon