18

126 6 0
                                    

"Wrong. You're so stupid."


Sinamaan ko ng tingin si Gio. Nandito kami ngayon sa kwarto niya at pinapasagutan niya sa akin ang isa sa mga subject niya. Eh, gago pala siya! Hindi ko naman inaaral 'to!


"Pinagtitripan mo na lang ako, eh." Mas sumama ang tingin ko sa kaniya. "Third year ka na bobo ka. First year pa lang ako! Magkaiba pa tayo ng course!"


He's the stupid one! Architecture ang kinuha ko tapos papasagutan niya sa akin ang pang-Chemical Engineering. Bobo pa naman ako sa Science. Ayaw ko noon.


"Dali-dali lang niyan, eh. Ang sabihin mo, tamad kang intindihin." Wala nang isasama pa ang tingin ko sa kaniya kaya natawa na siya. "Just kidding. Come here." Hinatak niya ang baywang ko para mapalapit sa kaniya. Nakaupo kami sa kama niya kaya kahit na hindi niya ako hatakin, malapit pa rin ako sa kaniya.


"Tigilan mo 'ko." Pikon na sabi ko. Kanina pa niya ako pinipikon.


"Naging tayo lang, nagi-inarte ka na, ah." Masama ko siyang tinapunan ulit ng tingin. Hawak pa rin niya ang baywang ko. "Huwag ka na magalit." Tumawa siya ulit.


"Hindi ako galit. Nakakainis ka lang." Inirapan ko siya kaya mas natawa siya. Tuwang-tuwa pa talaga siya, ha?!


Minsan hindi ko talaga maintindihan si Gio. Minsan ang lakas niyang mang-asar kaya napipikon ako. Pero minsan wala pa akong nagagawa, pikon na siya. Mainitin pa ang ulo. Baliw talaga 'tong boyfriend ko na 'to, e.


Gio and I have been together for two months already. Dalawang buwan na ang nakalipas magmula nang sabihin niyang mahal niya ako. Pero hindi ko pa nasasabi sa kaniya na mahal ko siya sa personal. Nasasabi ko sa chat pero kapag nandiyan na siya sa harap ko, parang nawawalan ako ng lakas. Nahihiya ako bigla.


He never demanded me to say it. Hindi rin naman kasi kami madalas magsabihan ng ganoon. Biglaan lang. Siguro sa isang linggo, dalawang beses lang siya nagsabi sa akin na mahal niya ako tapos ako naman ay ganoon din tapos sa chat pa. Na-realize ko rin na kahit hindi namin sabihin, nararamdaman naman namin iyon sa isa't isa.


"Postponed ang date natin bukas." Sabi niya habang nakatingin sa cellphone. Nakisilip ako roon kaya nakita kong may biglaang laboratory exam sila. Napabuntong-hininga naman ako at binigyan siya ng ngiti.


"Okay lang. Marami pang araw."


Nakakapagtaka si Gio minsan. Pakiramdam niya raw nawawalan na siya ng oras sa akin, e, hindi naman. Okay lang dahil busy din ako. Kahit kasisimula pa lang ng college life ko, busy na rin agad. Tsaka, lagi naman siyang gumagawa ng oras para sa aming dalawa.


"Mas gusto ko pa rito." Hinatak niya ako pahiga at ginawang unan ko ang braso niya. Niyakap niya ako sa baywang at ang mukha sa leeg ko.


"Ikaw? Mas gustong humilata lang? Parang hindi ikaw 'yan." Tumawa ako. Mas masipag pa ata mag-aral 'to kaysa kay Albert Einstein noon.


"Because you're here." Inaantok na sabi niya. Napangiti naman ako at sinilip siya.


Humigpit ang yakap niya sa baywang ko nang gumalaw ako. Ano ba naman 'to, akala mo naman ay mawawala ako.


Nakangiti lang ako habang nakatitig sa kaniya. Gandang-ganda talaga ako sa mga pilik mata niya. Mas mahaba pa sa akin. Tapos kapag natutulog siya, parang hindi makabasag pinggan. Mukhang anghel kapag tulog pero demonyo na kapag nagising.


"Stop staring at me." Nanlaki ang mata ko nang dumilat siya, inaantok pa. "Halikan mo na ako kung gusto mo akong halikan. Nahiya ka pa."


"Tsh." Mahina akong natawa at niyakap na lang siya. Binaon ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya habang siya ay humigpit pa lalo ang yakap sa akin.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon