07

146 5 0
                                    

"Pass muna ako. May interview kami ng mga ka-grupo ko ngayon." Sabi ko kay Tallie.


Inaaya nila ako na kumain sa Gateway Mall pero nag-pass ako dahil may interview kami nina Gaile para sa Practical Research namin. Tungkol kasi sa mga UP students ang topic namin at siyempre, boyfriend niya ang i-interviewhin namin at ang mga kaklase raw nito.


"Okay, ingat ka! Bye! Love you!" sigaw ni Tallie habang kumakaway sa akin. Nagpaalam ako sa kaniya bago dumeretso kay Gaile na nasa canteen. Nandoon na rin ang iba naming mga ka-grupo.


"Oh, alam niyo na saan kayo mamaya, ha." Sabi ni Steph, ang group leader namin.


"Speech Comm ako!" Sabi naman ni Kyla at nagtaas pa ng kamay.


"Sa may Psychology ako." Sumingit si Eric.


Inassign kasi kami sa iba't ibang department. Tungkol kasi sa mga UP students na nasa iba't ibang Department ang research namin. Tatanungin namin sila kung kumusta ang college life nila lalo na iskolar sila ng bayan. Pito kami sa grupo kaya hinati kami by pair ni Steph para raw organize. Sa Speech Comm na-assign si Kyla at Jane, sa Psychology naman si Eric at Jordan, pair naman kami ni Gaile sa Chemical Engineering dahil boyfriend niya ay 'yon ang course tapos hinatak na niya ako kaya wala na akong nagawa dahil nag-solo na rin ang leader namin.


"So, we will interview two students. Siyempre, 'yung isa boyfriend ko tapos ikaw na roon sa kaibigan niya. Ah! You know him!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Gaile.


"Huh? I know him? Pinagsasasabi mo?" nagtataka kong tanong. Bigla na lang siyang ngumiti nang mapang-asar.


"Hindi mo ba talaga alam o ayaw mo lang isipin na tama ang iniisip mo?" Sabi niya na mas nagpagulo sa akin.


"Ano bang sinasabi mo? Deretsuhin mo na kaya ako." Kunot noong sabi ko.


"Duh! Si Gio ang iinterview-hin mo! 'Yung nag-uwi sa 'yo noong birthday ko. Yieee!" tinusok niya ang tagiliran ko samantalang ako naman ay natigilan.


'Yung kupal na 'yun ang iinterview-hin ko? Bakit 'yun pa? Ayoko ngang makita ang pagmumukha noon dahil maba-bad trip lang ako.


"Bakit siya?" tanong ko kay Gaile na kinikilig habang nagce-cellphone. On the way na kami ngayon papuntang UP Diliman kasama ang iba sa mga ka-grupo namin.


Nagpalit na kami ng ibang damit, casual attire lang para naman hindi kami masyado pagtinginan. Ayoko pa naman ng ganoon. Kapag kasi naka-school uniform pa kami tapos nasa UP, mae-expose pa ang school namin. Mamaya ay may magawa kami, edi, nadamay pa ang school namin. Ayoko na ng kaso, ang dami na kaya naming kaso ng mga kaibigan ko noong Junior high. Hindi naman ako kasali roon pero mga kaibigan ko, oo. Lapitin lang ata talaga ako ng gulo.


"Eh, classmates sila ni Carl. Si Gio raw pinaka-close niya." Sabi niya at tumingin sa akin. Nagtaka pa ako ng bigla na naman siyang ngumisi. "Alam mo bang hindi siya pumayag noong una? KJ kasi 'yun, eh. Ang tamad magpa-interview."


"Bakit pumayag?" Sana pala hindi na lang siya pumayag. Pabor pa sa akin.


"Dahil sa 'yo." Natigilan ako sa sinabi ni Gaile. Nanatili naman siyang nakangiti nang nang-aasar. "Nung nalaman niya na kaibigan ko ang mag-iinterview at ako, pumayag siya. Pinakita pa ni Carl ang picture mo para masigurado niya na ikaw ang tinutukoy kong kaibigan."


Napatitig ako kay Gaile dahil sa sinabi niya. Bakit naman pumayag 'yung Gio na 'yon nung nalaman niya na ako ang mag-iinterview sa kaniya? Nakakapagtaka rin na may kaibigan 'yon. Sa sobrang sama ng ugali? 'Yun siguro ang tinatawag na milagro.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon