33

132 4 0
                                    

"Kailan ka pa nakauwi?"


"A few hours ago. Dumeretso ako rito pagkatapos kong dumaan sa bahay."


I glanced at Gio who was just staring at Ethan. Napakagat ako sa labi ko, hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan.


"Ganoon ba?" Muli akong tumingin kay Ethan pagkatapos ay tumingin ulit ako kay Gio. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa lalo na dahil sumulyap na rin si Ethan sa kaniya.


Ethan glanced at me then glanced at Gio. Kalaunan ay ngumiti siya at humarap kay Gio.


"You must be Kyra's brother. Nice to meet you."


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ethan. Naglahad pa siya ng kamay kay Gio! Gagong 'to!


Kitang-kita ko ang pagkakunot agad ng noo ni Gio sabay tingin sa kamay ni Ethan. Tumawa siya nang sarkastiko bago ako tapunan nang masamang tingin. Hala, bakit ako?!


"Ah... hindi siya ang kapatid ko, Ethan." Bulong ko kay Ethan at binaba ang kamay niyang nakalahad.


"Oh, I'm sorry. I thought he's your brother. You guys kinda look alike." Ethan laughed and shook his head. "Cousin, maybe?"


Putangina.


"I'm not her cousin." Mariing sabi ni Gio. Ako ang kinikilabutan sa tingin niya dahil parang mananapak na siya. Nakaka-offend ba'ng maging kamag-anak ko?


"A friend?" tanong pa ni Ethan.


"I think you wouldn't want to know who I am."


Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya roon? Tinatakot ba niya si Ethan? Ano namang nakakatakot doon sa sinasabi niya?


Nawala ang ngiti sa labi ni Ethan at tinitigan si Gio. He glanced at me for a while before looking back at Gio. Unti-unti siyang tumango na parang may napagtanto.


"Yeah, I think its better not knowing." He gave him a small smile. "How about you? Do you want to know who I am?"


Napanganga ako sa sinabi ni Ethan. Ano ba 'tong dalawang 'to? Bakit nagtatanungan sila ng ganiyan?


"I'm not interested." Sagot ni Gio na nagpatunganga kay Ethan. Gusto kong mag-sorry sa kaniya dahil wala siyang kaalam-alam kung gaano ka-pilosopo ang lalaking nasa harapan at kausap niya.


Sisingit na sana ako sa gitna nila para paalisin na si Gio at papasukin naman si Ethan dahil nagpunta pa siya rito para makita ako. Baka may importante siyang kailangang i-discuss sa akin. Kaya lang bigla akong kinausap ni Gio.


"Uuwi na ako. Thanks for the gift, and better rest." Sumulyap siya kay Ethan at tinapunan ito nang masamang tingin bago sumakay ng sasakyan niya. Gusto ko siyang murahin at sabihan na baka naman pwede niyang pigilan ang mga mata niyang kung tumingin ay parang mananapak! Hindi ba niya mapigilan 'yon?!


Pinanood ko siyang umalis hanggang sa hindi ko na masilayan ang sasakyan niya. Malalim akong bumuntong hininga bago sumulyap kay Ethan na nakatingin na sa akin nang seryoso.


"Bakit ka narito?" tanong ko.


He raised a brow and laughed softly. "I missed you too."


"Seryoso kasi. Bakit hindi ka na lang nagpahinga muna? You should just texted me."


"I told you already. Miss na nga kita. Mahirap ba maintindihan 'yon?" tumawa siya bago lumapit at inakbayan ako. "Besides, I think it was a good idea that I came here." Sabi niya at sumulyap sa daan kung saan dumaan si Gio paalis.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon