17

136 5 0
                                    

"Congrats!"


Niyakap ko si Aliyah nang mahigpit. It's my friends graduation today from NU. Sina Aliyah, Jim, at Mark ay tuwang-tuwa dahil official graduate na sila ngayon ng Senior high school. Sa aming magkakaibigan, sila ang second to the last na ga-graduate. Habang kaming mga taga-Beda naman ay ang pang-huli. Its a week from now.


"Congrats, babe!" masayang niyakap ni Benj si Aliyah. Nagtilian naman kaming lahat.


"Sana all!" sigaw ni Tallie.


Nandito kaming lahat na magkakaibigan. Hindi kami makakapasok sa venue dahil dalawa lang ang pwede at siyempre, pamilya na nila ang dapat na nandoon. Okay lang naman dahil hindi naman boring kasama ang mga kaibigan ko. Ang dami namin, eh. Nangako kasi kami sa isa't isa na aattend kami ng graduation ng bawat isa. Buti na lang hindi magkakasabay ng date ng graduation ang mga universities.


"Kami na next!" masayang umakbay si Leon kay Mark.


"Goodbye red school na sa wakas!" natawa ako sa sinabi ni Benj.


"Goodbye red school na talaga and hello yellow school!" masayang sabi ni Tallie.


"Hindi na kayo naghiwalay tatlo, ah." Natatawang sabi ni Marge sa aming tatlo nina Tallie at Zari.


"Siyempre! Goals kami bakit ba?" sabi ni Zari at tumawa nang malakas.


"Goals mo 'to. Hanapan niyo nga ako ng ka-fubu roon." Pagbibiro ni Guillian.


"Amputa. Ba't naman fubu gago ka!" natatawang hinampas ni Jim ang dibdib ni Guillian.


"Ayaw mo jowa, pre?" tanomg ni Benj, nakaakbay pa rin kay Aliyah.


"Ayoko. Fubu lang ang gusto ko." Sagot naman ni Guillian.


"Ulol. Fubu ka diyan. Takot ka lang sa commitment, eh."


"Oooooh!"


Nagtawanan at asaran kaming lahat nang sabihin ni Ami iyon kay Guillian. Napapailing na lang ako habang nag-aasaran kaming lahat. How time flies so fast. Sobrang bilis. Parang nagkakilala lang kami noong high school at ngayon ay magco-college na kami.


"Sa graduation ng mga Bedista may inuman, ah." Sabi ni Leon. Nawala na ang mga bagong graduates dahil magce-celebrate daw sila kasama ang pamilya kaya kami-kami na lang ang magkakasamang nasa loob ng isang jeep. Saktong-sakto sa aming lahat. May apat lang ata na hindi namin kilala.


"Oo, kila Ryle daw." Sabi ni Tallie.


"Excited na ako!" masayang sabi ni Zari. May hawak pa siyang yosi. Silang dalawa ni Guillian. Nasa may dulo naman sila kaya palabas ang usok.


"Paano ba 'yan, dalawa tayong matagal pang mag-aaral, Zari." Sabi ni Benj sa kaniya. Parehas kasi silang magdo-doctor.


"Pwede huwag magsalita ang iskolar ng bayan?" natawa kaming lahat nang magbiro si Marge. Hanep din kasi si Benj. Sa UP mag-aaral.


"Well." Mayabang na ngumiti si Benj bago tumawa. "Kyra, papa-tour ako kay Gio, ah."


"Kung papayag." Si Tallie ang sumagot kaya natawa ako.


"Baka hindi ka pa nagsasalita, mabara ka na." Nagtawanan kami sa sinabi ni Ami. Kahit mga kaibigan ko, alam na alam ang ugali ni Gio. But they still like him for me. Nakasama naman na nila si Gio. Nakikisama rin naman si kupal kaya okay ang relasyon ng lahat.


"Papayag 'yun."


Honestly, everything was perfect for me. I guess?


Perfect kasi parang ang saya lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon. I'm happy with my family. With my friends. Kahit may pressure dahil sa college, masaya pa rin dahil panibagong challenge 'to para sa amin. And of course, I have Gio. The man who makes me happy. The man who made me realize how life can be so hard, but can be easy too.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon