16

131 5 0
                                    

"Nakakainis!"


Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang nakatingin kay Zari. Nakakatawa kasi ang hitsura niya. Ginugulo pa niya ang buhok niya dahil sa sobrang inis.


Nag-away kasi sila ni River. Simpleng tampuhan lang dahil may period si Zari ngayon kaya mabilis uminit ang ulo. Si River naman ay mabagal mag-reply kaya naiinis na ang kaibigan ko.


"Chill ka lang kasi. Alam mo namang hindi nagce-cellphone si River kapag nagda-drive." Sabi ni Tallie. Naglalakad na kami ngayon pauwi. Galing kaming bahay ni Zari at ihahatid niya kami sa kanto. Ngayon na lang ulit kami nakatambay sa kanila dahil noong Junior high school pa noong huli naming nagawa ito.


"Parehas na parehas kayo ni Benj." Umismid si Aliyah. "Ang clingy-clingy niyo."


"Uy, grabe ka naman. Clingy din kaya sa akin si River! Extra clingy lang talaga ako minsan 'no!" pagpapaliwanag ni Zari.


"'Yung isa nananahimik." Napatingin ako kay Tallie na nakakapit sa braso ni Aliyah.


"Hindi naman ako clingy." Paliwanag ko kaagad.


"Eh, si Gio? Clingy ba si tanda?" tumawa nang malakas si Tallie kaya natawa rin ako.


"Gago ka talaga. Buti wala 'yon dito kundi baka nasapak ka na noon." Pagbibiro ni Zari kay Tallie.


"Hindi naman gaano ka-tanda si Gio, ah? Sakto lang." Napatango ako sa sinabi ni Aliyah.


"Oo nga! Joke ko lang naman 'yun, eh." Napanguso si Tallie. "Parang bet ko na nga rin mga two years older sa akin o kahit three pa!" tumawa siya nang malakas. Nahawa naman kami kaagad sa tawa niya.


"Sus, hindi ka nga marunong lumandi!"


Si Tallie ang kaibigan naming gustong-gusto magkajowa pero hindi naman kayang gumawa ng paraan. She can't do first moves. Parehas kami kaya nagkakaintindihan kami. Sabi ko pa nga noon, parehas kaming magfi-first move sa college para naman magka-lovelife kami. Kaya lang, nauna ako. May taong gumawa ng paraan para mapalapit sa akin. And I hope someone would do the same for Tallie.


Naghiwalay na kaming tatlo ng sakayan pagkarating ng kanto nina Zari. Napadaan pa kami sa bahay ng Lola ni River kaya mas na-miss ni Zari ang boyfriend niya. Hindi na ata mapaghiwalay ang dalawang 'yon. Gusto laging magkasama at maya't maya nami-miss ang isa't isa.


Pagkarating sa bahay, naligo at nag-ayos na kaagad ako. As usual, wala ang magulang ko dahil may trabaho. Si Kuya naman ay siguradong nasa school pa. Si Ate naman ay nasa taas at nag-aaral kasama si Annalise. Ang kapatid kong si Denise ay paniguradong nakakulong lang sa kwarto.


Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang wala pang reply si Gio. Busy pa siguro 'to. Napabuntong-hininga na lang ako at lumapit na muna sa may study table ko at binuksan ang laptop ko. Manonood na lang muna ako ng anime habang wala pang reply si Gio. Madalas kapag nakauwi na siya ay tatawag na lang dahil tinatamad daw siyang mag-reply.


Nagi-iscroll lang ako ng kung anu-anong pwedeng mapanood sa laptop nang mahagip ng paningin ko ang bukas na drawer sa table ko. Isasara ko na sana 'yon pero napatigil ako nang makita ang isang pamilyar na box.


Binuksan ko ng todo ang drawer at nakita ang box na bigay sa akin noon ni Cedric. 'Yung bracelet.


Kinuha ko 'yon at tinitigan. Binuksan ko ang box at kinuha ang bracelet doon. Wala sa sariling napangiti ako nang maalala si Cedric. Kumusta na kaya 'yon? Hindi ko na siya nakakausap at natatanong kay Kuya Hanz.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon