12

135 6 0
                                    

"Bilisan mo." Masungit na sabi ni Gio kaya binilisan ko ang paglalakad.


Pababa na kami ngayon sa kusina nila at magluluto raw siya. Yes, magluluto siya. It was another information from him that surprised me. Una, hindi ko alam na marunong siyang sumayaw. Ay hindi, magaling pala. Tapos ngayon, he knows how to cook. Nakakabilib, ah. Hindi kasi halata sa presence niya.


Siyempre, hindi ko na sinabi na humanga ako dahil magyayabang na naman siya. Sasabihin na naman niya sa akin na bilib na bilib ako sa kaniya. Lalaki lalo ang ulo niya.


Nakakapagtaka dahil walang katao-tao rito sa bahay nila. 'Yung mga kasambahay nila mukhang may kaniya-kaniyang ginagawa. Hindi ko pa nga nakikita ang magulang nito, eh. Busy ata sila masyado lalo na ang tatay niya na panigurado ay nasa Ilocos dahil mayor siya roon. Ganoon din ang nanay niya. Gwen's not here too.


"Nasaan si Gwen?" tanong ko at umupo sa may high chair. Nakaharap ako sa kaniya habang siya ay nasa lutuan at kumukuha na siya ng ingredients sa ref nila. Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa countertop.


"Ilocos." Nagulat ako sa sinabi niya.


Ilocos? Eh, ayaw ni Gwen pumunta roon. Natuloy pa rin pala talaga siya. Kawawa naman.


"Bakit ba kailangan pa niyang pumunta roon? Kawawa naman." Mahinahong sabi ko. Baka magalit na naman kasi siya at sabihin niyang nangingialam na naman ako. Naaawa talaga kasi ako kay Gwen.


Tumigil siya sa paghihiwa ng sibuyas at tumingin sa akin. Seryoso siyang nakatingin kaya nailang ako. Hindi ko kasi alam kung anong iniisip niya. Galit ba siya?


"That is the only way for her to be safe." He pursed his lips and looked away.


"Why? Is she not safe here?" Hindi ko naiintindihan ang ibig niyang sabihin, e. I'm starting to get worried.


Natigilan naman ako nang malalim siyang bumuntong hininga at binitawan ang kutsilyong hawak. Naghugas siya ng kamay at nagpunas. Napalunok ako nang lumapit siya sa akin. Pinatong niya ang siko niya sa countertop at lumapit pa dahilan para mapaatras ako at inalis ang pagkakapatong ng siko ko roon.


"You are the first person whom I answered honestly about this." Mahina at malalim na sagot niya. Lalo akong naguluhan.


"Huh?"


"Kung alam mo lang kung gaano ko ka-gustong makasama ang kapatid ko." Seryosong sabi niya. "Pero hindi mo alam. Wala kang alam."


Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi niya. Sa paraan ng pagkakasabi niya, ramdam ko ang kagustuhan niyang makasama si Gwen. Totoo namang wala akong alam pero kung anu-ano nang sinabi ko sa kaniya na para bang alam ko ang nangyayari.


"Sorry..." napayuko ako. Hindi siya agad sumagot kaya tumingin ako sa kaniya at nadatnang nakatingin lang din siya sa akin nang seryoso.


"Wala kang alam." Pag-uulit niya. Napayuko ulit ako. "Wala pa." Nagulat ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Let me tell you some other time." Ngumiti siya ng tipid bago bumalik na ulit sa ginagawa.


Gulat pa rin akong nakatingin sa kaniya. Gagawin niya 'yon? Sasabihin niya sa akin ang tungkol doon? Bakit? Bakit niya sasabihin sa akin? Pinagkakatiwalaan na niya ako?


May tuwa akong naramdaman ng dahil doon. Natutuwa ako dahil kung sasabihin niya sa akin 'yon, ibig sabihin pinagkakatiwalaan na niya ako. Masarap sa pakiramdam kapag alam mong may nagtitiwala sa 'yo.



"Anong niluluto mo?" tumayo ako at lumapit sa kaniya. Naghihiwa siya ng patatas.


"Anong sa tingin mo?" tanong niya pabalik.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon