26

124 4 1
                                    

"Gising na!"


Kakadilat ko pa lang ng mga mata ko, narinig ko na ang natatarantang boses ni Tallie. I knew it was her. Nanghihina akong tumingin sa paligid at nakita ang ilan sa mga kaibigan ko at si Denise. Lumabas bigla si Tallie para tumawag ng doctor.


"Kumusta pakiramdam mo?" tanong ni Aliyah at lumapit sa akin.


"Medyo nanghihina lang ako." I closed my eyes. Inaalala ko lahat ng nangyari. Bakit ako nasa ospital?


"Sina Tita nagdala sa 'yo rito. Umuwi ka raw nang umiiyak sa kanila tapos bigla ka na lang nahirapan huminga." Paliwanag ni Benj.


Pumikit ako ulit at inalala ang mga nangyari. Fuck.


Gio...


Dumilat ako at hinanap siya sa mga taong nandito ngayon pero hindi ko siya nakita. Mukhang nahulaan ng mga kaibigan ko kaya mabilis silang umiling.


"Hindi pa siya dumadalaw dito." Mahinahong sabi ni Aliyah.


I felt a sting on my chest. Hindi ba niya alam na nasa ospital ako? I badly want to talk to him. Are we breaking up? Agad? Nang hindi nakakapag-usap? Ganito ba talaga kababaw ang rason?


"Anak," napalingon ako nang makita ko si Mommy at Daddy na kakapasok lang kasama sina Kuya at Tallie.


"How are you?"


"Okay na ako, My." Tipid akong ngumiti.


"Allergic ka sa alcohol." Seryosong sabi ni kuya Hanz. "You know that, right?"


I did not know that it would trigger my asthma and acid. Ngayon lang naman ako nagkaganito dahil dere-deretso kong ininom 'yung dalawang bote ng alak na binili ko.


"Sinabi ng doctor kanina," napatingin ako kay Benj. "You are sensitive to substances contained in alcohol which are known to trigger your asthma."


"I know. Pero ngayon na lang ulit naman ako uminom." Paliwanag ko.


"Oo nga. Pero nabigla ang katawan mo sa alak kaya inatake ka."


"Anak, bakit ka ba kasi umiinom mag-isa?" nag-aalalang na tanong ni Mommy. Hindi nagsasalita si Daddy pero alam kong galit siya sa ginawa ko.


"Ang tigas ng ulo mo, 'no?" inis na sabi ni Kuya. "Bakit ba ganoon ang ginawa mo? Why would you drink too much alcohol? Nag-away ba kayo ni Gio? Nasaan siya?" dere-deretso niyang tanong na hindi ko alam paano sasagutin dahil hindi ko rin naman alam kung nasaan si Gio.


"Nakausap ko na po." Napatingin kaming lahat kay Tallie. "Papunta na po siya."


I felt relieved to what Tallie said. Gustong-gusto ko na talagang makita si Gio. I badly want to tell him that I was sorry. Gusto ko na lang maayos. Ayoko na ng gulo. Baka sisihin pa siya nina Kuya dahil sa nangyari sa akin. It's not his fault. Ako ang nagpabaya. Wala siyang kinalaman doon.


"Answer me, Kyra? Bakit ka umiiyak? Pinaiyak ka ba ni Gio? Sinasabi ko na nga bang—"


"Kuya, hindi!" Hindi ko na napigilan ang magtaas ng boses. "Bakit ba palagi na lang mainit ang dugo mo kay Gio? Wala naman siyang ginagawang masama!"


"Huwag mo akong sinisigawan, Kyra! I'm just concerned! Bakit ka nga umiiyak?!


"I'm just tired! Gusto ko lang uminom, bawal ba 'yon?!" I lied.


I don't want to involve Gio into this. Ayokong maging masama pa ang tingin sa kaniya ng pamilya ko. Lalong-lalo na palagi siyang pinag-iinitan ni Kuya.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon