01

339 6 0
                                    

"Kyra tambay tayo sa inyo!" Kumapit si Tallie sa braso ko at niyugyog ako.


"Hindi pwede ngayon, e, susunduin namin si Ate sa airport." Sagot ko naman.


"Weh?! Ate Aubree is back!" masayang sabi ni Zari. Tumango naman ako at ngumiti.


Magkakasama kami nina Marge, Ami, Gianna, Aliyah, Zari, at Tallie ngayon papuntang sakayan pauwi. Mga kaibigan ko sila simula Grade 7 bukod kay Aliyah at Tallie na noong Grade 8 lang namin naging kaibigan. Pauwi na kami dahil katatapos lang ng klase namin.


Natatawa ako dahil sa pang-aasar ni Tallie kay Zari na kasama ang boyfriend niya na napaka-gago naman. Alam kong gago dahil ilang beses na siyang niloloko pero itong si Zari, dakilang marupok. Ilang beses na namin siya pinagsasabihan. Gusto na nga namin awayin ang boyfriend niya, kung hindi lang kami pinipigilan ni Zari.


"Nasaan si Benj?" tanong ko kay Aliyah. Nagpaalam na kami kila Marge at Ami na sumakay ng UV Express. Hindi kami sumakay dahil team jeep kami para mas tipid.


"Naglalaro sila nina Leon doon sa Adais." Patukoy niya sa computer shop malapit sa school namin. Kaya pala nawawala ang mga lalaki naming kaibigan dahil naglalaro na naman sila.


"Hindi mo hihintayin?" tanong ni Tallie sa kaniya. Kaming tatlo ang magkakasabay na maglakad dahil si Zari ay kasabay ang jowa niya.


"Hindi na. Malaki na siya." Nagtawanan kami sa sinabi ni Aliyah.


"Himala hindi bumuntot sa 'yo." Natatawang sabi ko. Madalas kasi nakabuntot sa kaniya si Benj, eh. Simula nang maging sila noong Grade 8 kami, hindi na humiwalay kay Aliyah. Two years na sila ngayon and counting pa. Grade 10 na kami ngayon at malapit na mag-Senior high school pero matatag pa rin sila. Sana hindi na sila maghiwalay kahit na ang bata pa namin.


"Mabuti nga, e. Naiirita ako kapag dikit ng dikit."


Sumakay na kami ni Aliyah sa sakayan namin ng jeep habang si Tallie at sina Zari ay sa kabila street dahil magkaiba kami ng daan.


"Ingat ka!" sigaw ko kay Aliyah nang makababa na siya sa may kanto nila. Mas malapit lang kasi ang bahay niya habang ako ay sasakay pa ng trycicle mamaya.


Araw-araw ganito ang routine namin. Minsan kakain pa kami sa malapit na mall o kaya sa mga karinderya malapit sa school. Badtrip nga dahil mas tumagal ang uwian namin ngayong Grade 10. Kung dati, 3 PM uwian na. Ngayon, 4 PM pa!


Pagkababa ko ng jeep, naglakad na ako papunta sa pila ng mga trycicle at sumakay doon. Deretso na sa bahay at bente lang ang bayad kaya sulit na rin. At least, hindi na ako maglalakad. Minsan naman kapag masipag ako, naglalakad ako. Exercise din pero masyado akong pagod ngayon at tinatamad kaya ayokong maglakad.


Inabot ko na sa trycicle driver ang bayad ko bago bumaba. Bubuksan ko na sana ang gate namin pero may nauna nang magbukas noon.


"Welcome home, Isabel!" Sumama agad ang mukha ko pero natawa nang makita ang pagmumukha niya.


"Ba't nandito ka na naman, Zayne?" pagtawag ko sa second name niya at pumasok na. Tinawag din niya ako sa second name ko kaya kwits lang kami. Sumunod naman siya sa akin.


"Yayayain ko sanang mag-basketball ang Kuya mo, eh." Sabi niya at dinribble ang hawak na bola. Kaibigan siya ng Kuya ko at madalas siya nandito kaya naging kaibigan ko na rin siya. Parang bahay na nga niya ang bahay namin, eh. Lagi kasi siyang nakatambay dito. Parang kahapon lang nandito rin siya. Parang hindi nasa college kung umasta.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon