28

113 8 0
                                    

"Finally pumayag ka na ring makipagkita." Tallie sat in front of me. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop at pumayag na sa alok niyang makipagkita.


"Nasaan na si Zari?" tanong ko sa kaniya. Lunch break niya ngayon sa trabaho at ako agad ang tinawagan niya kaya pinagbigyan ko na. Ilang araw na niya akong kinukulit.


"Pass daw muna. Alam mo naman 'yun, busy mag-aral para sa next take niya ng NMAT. Natatakot siyang bumagsak ulit kaya nagpapakapagod." Napailing siya.


"Tell her to take a rest from time to time. Lagi mo 'yon ipaalala sa kaniya." I sipped on my iced tea and looked away. I can't do it for her so I was asking Tallie to do it. Malapit na akong umalis.


Simula ng away namin kahapon ni Gio, hindi na kami nag-usap ulit. I only have two days left. Hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan at pamilya ko.


"How are you and Gio?" tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Hindi ako sumagot kaya napatango siya. "Hay, talaga naman. Sina Aliyah na lang talaga ang masaya sa love life." Umiiling na sabi niya habang hinuhubad ang coat na suot.


Tallie stood up and ordered for the both of us. Habang hinihintay ko siya, nakatitig lang ako sa cellphone ko. I don't know why. Or maybe I do know... I just can't accept the fact that I was waiting for it instead of expecting.


Hinihintay ko na i-text niya ako... na tawagan niya ako. Kung noon, inaasahan ko, ngayon hinihintay ko na lang dahil hindi ko alam kung may aasahan pa ba ako.


Everything was just confusing and painful. Kulang kami sa pag-uusap. Pero ang hindi pag-uusap, makababawas sa sakit na nararamdaman ko. At sa sakit na nararamdaman niya, kung nasasaktan man siya. He seems okay. He seems good even our relationship were slowly falling apart.


"Tawagan mo na kasi para hindi ka mukhang pinagbagsakan ng lupa diyan." Napatingin ako kay Tallie nang makabalik siya, bitbit ang tray kung nasaan ang pagkain namin.


Tinago ko na ang cellphone ko at kumain na lang ng cake na binili niya. Tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Hindi rin nagsasalita si Tallie. Ramdam ko ang titig niya sa akin.


"Ano ba? Okay lang ako." I faked a laugh. "Kung makatingin ka naman diyan."


She was looking at me with her pity look. Ayoko ng ganoon. Ayokong kaaawaan ako.


"Okay lang umamin, ha?" hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ko alam kung ano man 'yang problema niyo, pero kung hindi ka pa handa i-ikuwento maiintindihan ko." She smiled at me. "Pero sana... sana maayos niyo."


I immediately looked away. Maiiyak ako at ayoko ng ganito. Ayoko nang nasasaktan. Ayoko nang umiiyak.


"Itanggi mo lang nang itanggi sa ibang tao na hindi ka okay. Sige lang, gawin mo 'yan kung diyan ka masaya. Basta alam mo sa sarili mong hindi." Tumingin ako sa kaniya ng may naluluhang mata.


"Ang hirap..." I closed my eyes. Kasabay nang pagpikit ko ang pagtulo ng luha ko na agad kong pinunasan. "Ang hirap magmahal." Ngumiti ako nang mapait habang pinupunasan pa rin ang mga luha.


Tumayo si Tallie at tinabihan ako. Inakbayan niya ako habang nakatingin sa malayo, handang makinig.


"Makikinig ako."


I told her everything. Bawat salitang lumalabas sa bibig ko, hirap na hirap ako. Bawat salita, may kapalit na sakit. I cried enough, not minding that we are in a public place.


"Kyra, she's his past. Alam kong masakit so give yourself a time." She caressed my hair. "Pero huwag 'yun ang maging dahilan kung bakit ka susuko. Ang dami niyo nang pinagdaanan, ang nakaraan pa ba niya ang sisira sa inyo?"


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon