15

156 5 0
                                    

"YES, GAGO! FUCK, TANGINA, TIGER NA AKO!"


Masayang sumigaw si Tallie nang makita ang results ng USTET. Hindi ko rin napigilan ang mapatili kanina dahil tatlo kami nina Zari at Tallie na nakapasa. Indeed, dreams do really come true.


"Ano ka hayop? Rawr!" pang-aasar ni Zari. Nagtawanan naman kami.


"Paki niyo ba! Maghahanap talaga ako ng jowa ngayong college! Para naman may ka-date ako sa paskuhan, putangina." Sambit ni Tallie.


"May ilang buwan pa naman." Sabi ko sa kaniya.


Parang noon, 'yan din ang gusto kong mangyari sa akin. Ang maghanap ng jowa sa college. That was before Cabren. Pero napaaga ang paghahanap ko, ah. Imbes na sa college pa ako maghanap, isang college ang nahanap ko. Napangiti ako sa sariling naisip.


"Bakit naman? May bago na?" tanong ko kay Tallie nang sabihin niyang hindi na niya crush si Callum.



Inaasar kasi namin siya ni Zari kay Ryle pero ang sabi niya ay kay Callum na lang pero bigla niyang binawi at sinabing hindi na niya crush. Paiba-iba talaga 'tong babaeng 'to.


"Wala! Ayaw ko, wala naman ako pag-asa roon! Tsaka Atenean 'yun, malabo talaga."


"Lasallian lang malakas," pagyayabang ni Zari. Napangiti naman ako.


"Iskolar ng bayan lang ang malakas." Sabat ko at ngumisi.


"Ay, wala na! May nanalo na!" sigaw ni Tallie na nagpatawa sa akin.


Hindi naman ako nagyayabang pero parang ganoon na nga. Siyempre, manliligaw ko lang naman ang isang matalinong masungit na nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas. Sino bang hindi magyayabang, hindi ba? Eh, mayabang din ang niyayabang ko.


"Sus, wala naman kayong label!" Napaawang ang bibig ko sa pambabara sa akin ni Tallie. Sira ulo 'to, ah.


Totoo naman ang sinasabi niya. Nililigawan kasi ako ni Gio kaya ganoon. Nanliligaw pa lang pero nakakailang halik na sa akin. In short, parang kami na hindi.


Alangan naman sabihin kong kami na, e, hindi naman siya nagtatanong. Tsaka, nahihiya ako, e. Hindi ko alam paano io-open up sa kaniya ang label. Kasi commitment 'yun. Something different and deep.


Matapos ang asaran namin nina Tallie, nag-ayos na kami dahil birthday ni Ryle at pupunta pa kami roon. Susunduin kami ni River. Zari's boyfriend, to be exact.


Tiningnan ko ang cellphone ko nang mag-vibrate ito.


From: Giovanni ♡

Ang tagal mo naman. Sunduin na kita.


Napangiti naman ako. Kanina pa kasi siya nandoon kila Ryle dahil tumambay daw siya roon dahil pinilit siya ni Ryle. Pinalitan ko na rin ang pangalan niya sa phone ko dahil gusto ko lang. I like his name. Giovanni. Sounds my man.


Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Ang harot ko naman.


Nag-type ako ng reply.


To: Giovanni

Hindi na. Matuto kang maghintay.

From: Giovanni

Oh, sure. Basta ikaw ang hihintayin.


Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Grabe naman magpakilig 'tong lalaking 'to. Aware ba siya sa ginagawa niya sa akin?


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon