08

147 5 0
                                    

"Lalalalala!"


"Ang ingay mo. Manahimik ka nga." Reklamo ni Ate Aubree kay Kuya Hanz dahil kanina pa ito kumakanta sa harap ni Annalise.


"Nakakatuwa kasi itong pamangkin ko, eh. Paka-KJ ng nanay mo 'no, Annalise? Buti pa si Tito!" Natawa ako nang kausapin pa ni Kuya si Annalise na nakatingin lang sa kaniya. Two-years-old na siya at lumalaki na.


"Kung magbihis ka na kaya? Sasamahan mo pa ako sa doktor." Ngayon ang check-up ni Annalise. Every month siyang pinapa-check-up ni Ate dahil gusto niyang ma-maintain na healthy si Annalise. Sasamahan siya ni Kuya dahil noon pa man, siya na ang sumasama sa kanila.


"Ang aga-aga pa, eh! Maya-maya na." Sambit ni Kuya at binuhat na si Annalise at nilaro na naman. Napailing na lang si Ate.


Aakyat na sana ako pero nagtaka ako ng biglang kumunot ang noo ni Ate habang nakatingin sa cellphone niya. Para bang may nabasang hindi niya ikinatuwa. Hindi ko na lang pinansin at umakyat na. Baka naman tungkol sa showbiz o kaya scammer lang na nagte-text.


Weekend na ngayon kaya nandito lang ako sa bahay. Wala namang ganap sa aming magkakaibigan kaya hindi na rin ako aalis. Busy din siguro sila. Lalo na si Zari. Ang balita ko nga ay nag-uusap sila nung nakilala niya sa bar. Ano nga ulit ang pangalan noon? Ah, River!


Ilang buwan na lang ay graduation na namin. Matagal pa pero parang ang bilis lang ng panahon kaya hindi na rin mamamalayan. It was hard to believe that I'm turning college already. I wonder what will happen to me in the future?


Nakaramdam ako ng gutom at parang gusto ko ng KFC. Naisipan kong lumabas at kumain na lang mag-isa sa labas. Wala sina Mommy at Daddy, parehas nasa trabaho. Mechanical Engineer si Daddy habang si Mommy naman ay nagta-trabaho sa isang Real Estate company. Sina Ate at Kuya ay paniguradong nakaalis na. Si Denise naman ay nasa galaan. Minsan talaga ay mas gala pa talaga sa akin 'yun, eh.


Nagsuot lang ako ng oversized shirt at maong shorts bago bumaba. Cellphone at wallet lang ang dala ko dahil kakain lang naman ako. Saglit lang naman ako, kailangan ko lang ma-satisfy ang cravings ko.


Nag-trycicle ako papuntang KFC. Hindi naman gaano ka-layo kaya mura lang ang bayad. Wala nga rin masyadong tao dahil siyesta time ngayon. 2 PM pa lang at titik na tirik ang araw.


"Ouch!"


Natigil ako sa paglalakad at gulat na napahawak sa balikat nang nabangga ko. Nanlaki ang mata ko nang makilala siya.


"Gwen?"


"Oh my gosh! Ate!" Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Sobrang higpit ng yakap niya na parang takot na takot siya kaya niyakap ko na lang din siya.


"Anong nangyari?" tanong ko. Umiiyak na siya ngayon.


"There were a bunch of guys who were following me!" Kumalas siya sa yakap at tumingin sa akin. "I told them that isusumbong ko sila sa Kuya ko but they just laughed at me!" umiiyak na sabi niya.


"Sino ba 'yung mga 'yun?" tanong ko at tumingin sa paligid. Parang pati ako ay natakot.


"I don't know! They're drunk, though! Dumaan lang naman me in their tindahan just to buy some drinks because I was so thirsty! Kanina pa ako naliligaw and I don't know how to go home." Lalo pa siyang umiyak at lumakas pa ang hikbi niya kaya inakay ko na muna siya papasok ng KFC para hindi nakakahiya. Baka isipin pa ng iba, nagpaiyak pa ako.


I let her sit down and told her to wait for me so I could buy food. Kahit na kulang ang allowance ko  para sa aming dalawa, hinayaan ko na. Nakakaawa naman.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon