05

154 5 0
                                    

"She looked so wasted."


Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Parang umalis ang kaluluwa ko sa katawan.


Nang tuluyan kong maidilat ang mata ko, mukha ng isang babae ang nakita ko. Babae na hindi ko naman kilala!


"Aaaah!" Kaagad siyang tumili ng biglaan akong bumangon. Siya pa talaga 'yung nagulat? Ako nga dapat dahil hindi ko alam kung nasaan ako!


"Sino ka?" mahina at natatakot kong sabi. Pinagmasdan ko siya. She's wearing a Minnie Mouse pajamas. May hawak din siyang stuff toy nito. Nakaipit din ang buhok niya. She looked so young. Parang Grade school pa lang siya.


Nang makapa ko ang salamin ko sa gilid, kinuha ko kaagad iyon at sinuot para mas makita ang paligid ko.


"Oh, Uhm... Hi!" she happily smiled at me and waved her hand. "You were startled, right? Sorry about that. My Kuya brought you home here last night. I'm Gwen!" Naglahad siya ng kamay sa akin.


Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Dinala ako ng Kuya niya rito? Sino? Na-rape ba ako? Sino ba 'to? Putangina.


Kinalma ko ang sarili ko. Kung kidnapper man ang kuya niya, panigurado ay walang alam 'to. Mukha siyang inosenteng bata na ang gusto lang ay maglaro. Bumuntong hininga ako at humawak sa kamay niya. Kailangan kalmado ako para makaalis kaagad. Baka mamaya ay may balak silang masama sa akin, lalo na 'yung kuya niya!


"I think I can hear your thoughts." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nanatili naman siyang nakangiti at umupo sa harap ko, yakap-yakap si Minnie mouse. "Don't worry, my Kuya is not a rapist or somethin'. He's actually still sleeping upstairs. He's a heavy sleeper, you know. But once he wake up, tuloy-tuloy na and he won't sleep once he didn't finish what he was supposed to do for the day."


Hindi ko alam ang ire-react ko sa kaniya. Wala naman akong tinatanong pero nagkuwento na siya tungkol sa kuya niya. Eh, pakialam ko ba roon? At tsaka, sino ba ang kuya niya? Wala nga akong matandaan na nangyari... Putangina!


Napatakip ako sa bibig ko nang maalala ang mga kahihiyan ko kagabi. Ang natatandaan ko lang, halos humiga na ako sa daan at matulog. Actually, natutulog na ako pero may biglang kumausap sa akin na lalaki. 'Yung lalaking bwisit na nabangga ko sa bar kagabi! Ibig sabihin, siya ang nag-uwi sa akin?! Ibig sabihin... Nandito ako sa bahay niya?!


"Oh! I think my Kuya is awake na!" Masayang tumayo si Gwen nang may marinig sa labas. Ngayon ko lang napagmasdan ang paligid. Parang nasa isang guest room ako dahil tanging kama, maliit na table sa gilid, at sofa, ang nandito.


Kahit na hindi ko alam ang gagawin, lumabas ako. Ngayon lang ako napunta sa isang bahay na wala akong kilala ni isa!


Pagkalabas ko, bumungad sa akin ang maaliwalas na sala. Simple lang pero ang laki ng bahay na 'to! Parang dream house ko na 'to, ah! Simple pero malaki.


"Good morning, Kuya!" Napatingin ako sa may bandang kusina nang marinig ang boses ni Gwen.


Nakita ko siyang yumakap doon sa bwisit na lalaki na mukhang bagong gising lang. Nakasuot siya ng salamin habang nakakunot ang noo. Marahan pa niyang tinulak ang kapatid dahil ayaw magpayakap kaya napanguso si Gwen.


"Breakfast." Ma-awtoridad na sabi niya kay Gwen. Imbes na sumunod, bumaling siya sa akin kaya nanlaki ang mata ko. Tumingin din kasi sa akin bigla 'yung kuya niya! Ano ba 'to! Nakakahiya!


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon