21

116 5 0
                                    

"Cute-cute naman! Piggytails!"


"Ano?" Natawa ako sa sinabi ni Kuya Hanz. Tuwang-tuwa siya sa kacute-an ng pamangkin namin na si Annalise dahil nakaipit siya ng pigtails.


"Piggytails!"


"Pigtails kasi," napailing si Ate Aubree at tumawa. Aalis silang tatlo ngayon at igagala raw nila si Annalise. Sasama dapat ako pero medyo marami akong kailangan tapusing plates.


Umupo na lang muna ako rito sa kama nina Ate habang nagbibihis siya sa CR. Si kuya ay pinagti-tripan pa rin si Annalise.


Humiga ako at tumingin sa bintana ng kwarto ni Ate. Tinatamad akong gumawa ng plates pero wala naman akong choice. Pinili ko ito, eh, panindigan ko na.


Napatingin ako sa gilid ng kama ni Ate at nakita ang bag ni Kuya Hanz. Kinuha ko 'yon dahil na-curious ako kung bakit ito nandito sa kwarto ni Ate.


"Kuya, bakit nandito 'to?" tanong ko sa kaniya.


"Alin?" sabi niya habang nilalaro pa rin si Annalise.


Binuksan ko ang bag at nakita ang mga picture frames ng buong pamilya namin. Kumunot ang noo ko. Ito 'yung mga picture frames sa sala, ah? Teka... ito 'yung bag na hawak ni Kuya noong nandito sina Cedric at Gio at nagmamadali siyang umakyat. Pero bakit nandito ang picture frames namin? Ito ba ang laman noon?


"Oy! Bag ko 'yan, ah?" Agad niyang hinablot sa akin ang bag niya na para bang ninakaw ko ito sa kaniya. Ang OA naman.


"Bakit nandiyan picture frames natin? 'Yan 'yung nasa sala, ah? Tsaka, bakit nandito sa kwarto nina Ate?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Mukhang gulat na gulat ang mukha niya at hindi agad nakapagsalita.


"Ano kasi... kailangan ko sa school!" Napakunot ang noo ko, nagtataka. "Tapos naiwan ko rito nung tumambay ako ka-kahapon!"


"Bakit mo kailangan sa school picture ng family? Ano ka grade school?" Hindi ko talaga ma-gets ang gusto niyang iparating.


"Eh, basta kailangan! Huwag ka na nga matanong. Maghugas ka na lang ng pinggan sa baba. Kinatatamaran mo na naman." Panenermon niya sa akin. Sumimangot ako at lumabas na ng kwarto. Nagtatanong lang ako tapos manenermon na bigla. Sira ulo talaga 'yun.



Buong week kami hindi nagkita ni Gio dahil parehas kaming busy. Marami-rami akong plates na ginagawa habang siya naman ay tambak ang unit operations na ginagawa niya. We still find ways to talk to each other. Tuwing gabi, tumatawag siya kahit saglit lang. Marinig lang namin ang boses ng isa't isa sa isang araw, masaya na kami.



"Argh! Ayoko naaa!" reklamo ni Riza. Natawa naman ako sa kaniya habang ginagawa ang isa kong plate. Nandito kami sa may gazebo. Hapon na ngayon at tapos na ang klase namin pero hindi pa ako umuuwi dahil dadaan daw si Gio rito.


"I really hate him. Bakit kasi hindi niya ako type, eh." Umirap siya sa kawalan at pinag-krus ang braso, wala na sa mood.


"Hindi mo naman mapipilit ang isang tao na magustuhan ka. Maghanap ka na lang ng iba." Advice ko sa kaniya. May gusto kasi siyang lalaki na taga-Enderun Colleges. Ang sosyal nga, eh, yayamanin.


"Bwisit kasi na Owen 'yun! Simula grade school, nakabuntot na ako sa kaniya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ako makita!"


Napatingin ako sa kaniya nang makitang nagpunas siya ng mata. Gago, umiiyak na.


"Paano ka makakahanap ng iba kung mahal mo na pala. Akala ko naman gusto lang. Gago, in love ka pala talaga."


I don't know this Owen guy she likes. Ah, no, correction. She loves. Pota, ma-swerte pa pala ako. Si Riza, simula grade school isa lang ang gusto pero mukhang hindi naman siya nakikita nito. In short, hindi siya gusto.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon