30

134 4 0
                                    

"'Yon! Black Label!" tuwang-tuwang kinuha sa akin ni Guillian ang dalawang alak na dala ko.


"Dalawa lang?" reklamo ni Leon.


"Meron pang tatlo sa sasakyan." Lumingon ako sa pintuang pinasukan ko.


"Oh? May hinahanap?" ngumisi si Tallie kaya napatingin ako sa kaniya.


"Huh?" kunot noo kong sagot. "Wala, ah."


"Sus. May hinahanap ka ata mareng Kyra." Tumatawang sabi ni Marge kaya nagtawanan silang lahat.


"Bakit? Sinong hahanapin niya?" Napatingin kaming lahat kay Kuya Hanz na sumali sa usapan. Nagsingitian naman ang mga kaibigan ko kaya nanlaki ang mga mata ko.


"Wala!" malakas na sabi ko. "Kukunin ko na 'yung alak na natira." Sabi ko at agad na lumabas. Narinig ko pa ang mga tawanan nila. Hindi na talaga magbabago ang pang-aasar ng mga 'to.


Pagkalabas ko, awtomatikong tumama ang paningin ko kay Gio. Hindi ba siya papasok sa loob?


He was leaning on my Dad's car. Nang tumama ang paningin niya sa akin, agad siyang umayos ng tayo at ngumiti ulit sa akin nang mapang-asar.


"What?" tinaasan niya ako ng kilay. "Do you expect me to carry these for you?" Tinuro niya ang tatlong alak na natira. Kumunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin.


"Hindi." Tipid kong sagot at kinuha na ang tatlong alak. Tinitigan ko pa iyon dahil hindi ko alam kung paano ko 'to dadalhin. Baka mabasag ko pa kapag pinilit ko.


"Ask for help if you can." Narinig kong bulong niya sa tainga ko dahilan para mapatalon ako sa gulat. "Oh, sensitive?" he smirked.


Ano ba'ng problema nito?!


Mabigat akong huminga at hinarap siya. Tinaasan ko siya ng kilay at ganoon din ang ginawa niya pero naroon pa rin ang mapang-asar niyang tingin at ngiti. What the fuck is his deal? Pipikonin ba talaga niya ako sa unang araw na nagkita kami ulit?


"Kung hindi ka papasok, umalis ka na." Seryosong sabi ko.


I don't know if I am ready to be with him for hours but I have to show that I am now okay. Because I am really. Sadyang hindi pa rin mawawala ang sakit kahit matagal na.


The lies... his past. It will always be painful. Kapag naaalala ko, masakit dahil mabigat ang pinagdaanan ko noon. But really, I moved on.


"Ah. So ini-invite mo ako sa pa-welcome back mo?" Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya


"Hindi, ah!" Ngumisi siya sa reaksyon ko nang tumaas ang boses ko. "Bakit ka ba nandito? Paano mo nalaman na—"


"Na nakabalik ka na?" Pagtuloy niya sa sinabi ko. Ngumiti siya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. He's wearing his usual engineer outfit. But he looks more different. His hair was up. His features became more manly. He looked like he was working out.


"Dahil sa 'kin." Napalingon ako nang may magsalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ryle kasama si Callum.


"Expected ko na." Sabi ko at umirap. Napangiti naman siya.


"Welcome back!" Masaya niyang itinaas ang dalawa niyang kamay at niyakap ako. Tumawa ako at niyakap siya pabalik.


"Good to see you again. You looked good." Callum smiled at me and gave me a hug.


"Thank you. Ikaw rin."


Napalingon kay kay Gio nang umubo siya.


"Oh, shit. Nandito ka pala, pre." Tumatawang inakbayan ni Ryle si Gio na sinamaan lang siya ng tingin.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon