13

136 7 0
                                    

"Nice view."


Agad akong humiwalay sa pagkakayakap kay Gio nang marinig 'yon. Ganoon na lang ka-bilis ang pagkilos ko nang may makakita sa amin. Kung kanina ay hindi ko mahiwalay ang sarili ko sa kaniya dahil sa hiya, ngayon ay parang gusto kong lumayo dahil nakakahiya kay Callum na may mapang-asar na ngiti na ngayon.


"Kanina ka pa ba diyan?" iritang tanong ni Gio na mukhang nahihiya rin. Hindi na siya makatingin sa akin ngayon. Ano nga ba'ng nangyari? Bakit ko nga ba siya niyakap?


"Not really," nakangiting lumapit sa amin si Callum. Pabalik-balik niya kaming tinitigan at tsaka tumawa. Tinapik niya ang balikat ni Gio. "Good night, man." Tumingin siya sa akin. "Good night, Kyra. Mauna na ako sa inyo." He smiled before walking away.


Pinanood ko siyang sumakay ulit sa sasakyan niya. Ibig sabihin ay kanina pa nga siya diyan? O bumaba lang talaga siya para asarin kami?


Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang mahinang ubo ni Gio. Hindi ko alam kung paano ako titingin sa kaniya dahil nahihiya ako sa pagyakap sa kaniya.


"Hatid na kita." Seryosong sabi niya, hindi rin makatingin sa akin.


"Ano... dito ako matutulog." Sabi ko ng hindi rin tumitingin sa kaniya.


Parehas kaming nakatingin sa gilid namin at hindi tinatapunan ng tingin ang isa't isa. Hindi ko alam kung anong dahilan niya. Kung nahihiya rin ba siya katulad ko?


Natahimik kami ulit. Tanging himig lang ng gabi ang naririnig ko at ang mga busina ng sasakyan sa 'di kalayuan.


"Kyra."


Lumingon ako sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko pero agad akong natigilan nang bigla na lang niya akong niyakap gamit ang isang braso. Nanlalaki ang mata kong nakatitig lang sa kawalan habang yakap niya ako. Naramdaman ko ang kamay niyang hinaplos ang buhok ko at hinigpitan ang yakap sa akin, gamit pa rin ang iisang braso.


"Stop thinking about anything, okay? Hayaan mo na lang ako." Walang emosyong sabi niya at hinigpitan pa ang yakap sa akin.


Nanatili lang akong tulala at dinama na lang ang yakap niya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginawa pero masarap sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap na nagmumula sa taong gusto mo.


Sandali pa kaming nanatiling ganoon bago niya ako bitawan. Hindi pa rin ako tumingin sa kaniya nang manatili siyang hawak ang isang balikat ko.


"Look at me, Kyra." Seryosong sabi niya ulit. Pinilit ko ang sarili kong hindi manghina at tumingin sa kaniya.


Gusto kong isiping gusto rin niya ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Gusto kong mag-assume na ganoon din ang nararamdaman niya sa akin pero hindi ko pwedeng gawin 'yon. Iba pa rin kapag narinig ko mismo sa kaniya.


"Mag-reply ka sa mga text ko." Sabi niya at ginulo ang buhok ko. "Kapag hindi ka nag-reply, lagot ka sa 'kin."


Hindi ko napigilan ang mapangiti sa sinabi niya. Mas naging komportable na ulit ako kaysa kanina na hindi ako makatingin sa kaniya. Mas gusto ko pa atang maging rude siya kaysa sa seryoso siya dahil mas bumibilis ang tibok ng puso ko para sa kaniya kapag seryoso siya.


"Okay." Tipid kong sagot habang nakangiti. Ngumiti rin siya at bahagyang umiling. "Good night."


"Tapos na ang gabi." Natatawang sabi niya.


"Edi, good mornight?" tumawa ako.


"Napaka-corny mo. Pumasok ka na nga." Pabiro niya akong tinulak.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon