10

138 6 0
                                    

"Stupid."


Sinamaan ko ng tingin si Gio. Hindi ko alam kung nakakailang tawag na ba siya sa akin ng 'stupid' simula sumakay kami ng sasakyan niya. Pang-sampu na ata ngayon dahil aksidente kong napindot 'yung button para sa bintana kaya bumaba ito.


"Ikaw na perfect." Inirapan ko siya. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya.


Kahit naiinis ako sa pagka-gago niya, hindi ko pa rin maiwasan ang ma-excite. Papunta na kami ngayon ng Tagaytay at alam kong malapit na kami dahil halos nakaka-dalawang oras na kaming bumabiyahe.


Hindi ko alam kung date ba 'to o ano. Hindi ko na inisip at sinabi na lang sa sarili ko na mag-enjoy. Komportable naman na ako kasama siya kaya okay lang. Ang tagal ko na rin gustong pumunta ng Tagaytay. Ang tagal ko na kasing hindi nakakapunta ulit doon.


"Saan ba tayo?" nakangiti akong bumaling sa kaniya.


"Sa Tagaytay nga. Ulit-ulit?" nauubusan na siya ng pasensya.


"Saan sa Tagaytay?" Pero mas nauubos ang pasensya ko. Hindi niya naman kasi nililinaw.


"Kahit saan basta Tagaytay. Ano ba? Huwag ka nga tanong nang tanong."


Imbes na sumagot, tumahimik na lang ako. Babarahin lang ako ng gagong 'to kapag sumagot ako. Parang hindi pa ako nanalo sa kaniya kaya mananahimik na lang ako kaysa masira pa ang sayang nararamdaman ko.


Maya-maya ay nagtaka ako nang ibaba ni Gio ang bintana. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang malamig na hangin at makita ang makapal na fog. Napangiti kaagad ako.


"Woooh..." Bahagya akong kinilabutan dahil sa lamig. Ang saya!


Nakalahad lang ang kamay ko sa labas ng bintana at hindi na naalis ang ngiti ko. Napalingon lang ako kay Gio ng bigla niyang tinigil ang sasakyan sa tapat ng isang hotel.


"Baba na." Sambit niya at nauna nang bumaba. Bababa na sana ako pero may nagbukas ng pinto bigla para sa akin at nakita ang isang varlet na nakangiti na sa akin.


"Good evening, ma'am." Bati niya.


Nahihiya man ako ay bumaba na ako. Nakakahiya dahil first time kong ma-experience ang ganito. Ganito pala sa five star hotel. It's  my first time.


Napatingin naman ako kay Gio na binato sa lalaki ang susi ng sasakyan niya. "Take care of my car. Thanks." Sabi ni Gio at tumingin sa akin. "Tara na." Sabi niya at nauna ng maglakad.


"Thank you po." Pagpapasalamat ko sa lalaki at sumunod na kay Gio.


Bahagya pa akong tumakbo para lang masabayan siya dahil ang bilis ng mga hakbang niya. Pinagmasdan ko ang paligid. Ang ganda ng interior nila rito. Mukhang magaling ang Architect, ah? Hindi ito pamilyar sa akin dahil ang tagal na noong huli akong nakapunta sa Tagaytay. Mukhang bago lang ang hotel na 'to.


"Chavez Grand." Pagbasa ko sa malaking pangalan ng hotel.


"This hotel is owned by my friend's family." Pagmamayabang ni Gio sa akin nang marinig ang pagbasa ko.


Kaya pala kung umasta na lang ang kupal na 'to ay parang siya ang may-ari. 'Yun pala ay sa kaibigan niya. Ang bigatin naman ng mga kaibigan niya. Sabagay, bigatin din siya, e.


"Bakit tayo nasa hotel?" prangkang tanong ko sa kaniya. "Aray!" Napahawak ako sa noo ko nang pitikin niya iyon!


"Stop thinking something dirty. Kapag 'yan naisip ko, kabahan ka."


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon