20

141 5 0
                                    

"Ate, nandiyan na ang sundo mo."


Masaya akong tumango kay Denise at kinuha na ang sling bag ko na cellphone at wallet lang ang laman. I wore my simple white shoes. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. I'm wearing a black sleeveless paired with wide denim jeans. Mayroon din akong belt to match my outfit. Ngumiti ako at inayos ang salamin ko bago bumaba.


Today is the day before my birthday. Pupunta kami ng Pampanga ng pamilya ko bukas para i-celebrate ang birthday ko with my family, both sides ng parents. Kaya ngayon na lang ako lalabas kasama si Gio. Actually, we're not alone. Hindi ko alam paano nangyari pero may kasama kami na hindi ko inaasahan.


"Ingat kayo, ha." Narinig kong sabi ni Mommy kay Gio. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti dahil sa hitsura niya. He's wearing a gray polo shirt tacked in with his brown ankle pants. Ang linis-linis niyang tingnan kahit anong isuot.


"Of course, Tita. Ako na po ang bahala." Tumingin sa akin si Gio at ngumiti. Nagandahan siguro sa 'kin 'to.


"Alis na kami, My." I kissed her cheek.


"Enjoy, anak."


Sabay kaming lumabas ni Gio bago magpaalam kay Mommy. Day off ni Mommy ngayon kaya siya ang nagbabantay kay Annalise na natutulog sa sofa. Si Ate at Kuya naman ay may lakad kaya wala sa bahay. Si Daddy naman ay nasa trabaho.


"Ready for today?" tanong sa akin ni Gio pagkasakay ng sasakyan niya.


"Ready na." I smiled. "I missed you." I held his hand. Napangiti naman siya.


"Hindi kita na-miss." Napanguso ako sa sagot niya. Ang sama talaga ng ugali.


"Tsh. Halos two weeks tayong hindi nagkita." Nagtatampong sabi ko kahit hindi naman talaga ako nagtatampo dahil naiintindihan ko naman. Parehas kaming naging busy sa school, lalo na siya.


"I know, love." Mahina siyang tumawa. "I'll make it up to you today." Pinagsalikop niya ang daliri namin at hinalikan ang kamay ko. I smiled with that simple gesture.


Nagkuwentuhan lang kaming dalawa habang papunta sa isang fast food restaurant kung saan namin kikitain ang ka-double date namin.


"Wala pa sila." Sabi ko nang makarating sa fast food restaurant. Kumuha na agad kami ng mauupuan. Ang pinili ko ay ang sofa para mas komportable.


"As expected." Napailing si Gio.


"Nagulat talaga ako nang sabihin mong sila ang kasama natin ngayon."


"Yeah, me too." Sabi niya habang nagtitipa sa cellphone. "I hope your friend knows what she came into." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Kung kilala mo si Archer, bakit mo hinahayaan na dumikit siya sa kaibigan ko?" tanong ko. Kinakabahan ako at baka masaktan naman ang kaibigan ko. Mabilis pa naman ma-attached 'yun.


Gio looked at me before sighing. Binaba niya ang cellphone niya at ipinatong ang siko sa lamesa at tumingin ng deretso sa akin. Magkatabi kami sa sofa kaya ang lapit ng mukha namin sa isa't isa.


"Why don't you ask your friend?" Kumunot lalo ang noo ko sa sinabi niya.


"Huh?"


"It was Tallie who wanted to have a date with Archer. Siyempre, papayag ang kaibigan ko. Knowing him?" he laughed sarcastically. "Good luck to your friend."


Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko naiwasang hindi kabahan at maguluhan sa sinasabi ni Gio. Sa hitsura pa lang ni Archer, mukha talaga siyang hindi nagseseryoso sa babae. I mean, not to be judgemental but I was just stating facts.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon