09

133 5 0
                                    

["Eh, bakit ka pumayag kung ayaw mo?"]


"Hindi naman ako nag-yes, eh. Desisyon 'yung gago na 'yun."


Kanina pa kami nag-uusap through video call ni Tallie. Kinuwento ko sa kaniya ang tungkol kay Gio. Lahat-lahat kinuwento ko sa kaniya dahil nagpakuwento siya. Sinabi ko rin sa kaniya na may dinner kami mamaya ni Gio at hindi ko alam kung saan at ako pa ang magbabayad bilang pambayad sa paglinis niya ng tsinelas ko.


["Sus. Pwede ka namang tumanggi. Sabihin mo lang wala kang pera. Ang sabihin mo, gusto mo rin. Ikaw ha, lumalandi ka na, ah. Yieee!"] pang-aasar pa niya.


"Hindi, ah." Pagtanggi ko at nag-iwas ng tingin, napaisip sa sinabi niya. Lumalandi na ba ang tawag dito?


["Sus. Halatang-halata sa mukha mo!"] tumawa nang malakas si Tallie kaya natawa na rin ako. ["Okay lang 'yan! Second year na siya, 'di ba?"] Tumango naman ako.


"Hindi naman siya gaano ka-tanda. Feeling ko nasa 20 pa lang siya. 18 naman na ako. Pwede na." Seryosong sabi ko kaya tumawa nang malakas si Tallie.


["Pota ka! Edi, inamin mo rin na gusto mo!"] Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga 'no? Bakit 'yun kasi ang sinabi ko?!


"Hindi naman. Naiirita nga ako sa kaniya, eh. Ang sama kaya ng ugali noon. Pero hindi ko naman itatanggi na gwapo siya at malakas ang dating. Tsaka, parang ang mature niya."


Gio is really attractive. Hindi ko type pero I know how to appreciate looks. His eyes are cold when you try to look at it but it was really catching. Mapapatitig ka sa mga mata niya na parang gusto mong hanapin ang emosyon doon.


["Oo nga, eh. Halata naman. Kasi hindi mo naman magugustuhan kung hindi matured. 'Yun na ang mga tipo mo ngayon, eh."] sabi niya na nagpatawa naman sa akin.


"Gusto agad? Attracted lang, e. Nangingibabaw pa rin ang pagkainis ko sa kaniya. Sobrang rude kaya nung gagong 'yun."


Being attracted to someone is different from liking them. I will never like that guy! Napakasama ng ugali!


["Eh? Ayaw ko talaga sa mga rude. Gusto ko 'yung mabait. 'Yung tipong paasa gano'n. Tapos okay lang na saktan ako para naman ma-experience ko ang ma-broken hearted."]


Natawa at napailing ako sa sinabi niya. Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to. Parang gago ang gustong ma-experience. Palagi niyang sinasabi sa amin na gusto niyang masaktan para raw alam niya ang pakiramdam ng nararamdaman ng iba.


At some point, gets ko 'yung gusto niyang mangyari. Kasi kahit na naiintindihan mo ang sakit na nararamdaman ng iba, hindi mo pa rin alam ng buo kung anong pakiramdam nito dahil hindi mo naman nararanasan. It was not a good idea but it makes sense when you try to understand her point of view. Loving someone will hurt you kaya siguro gusto niyang maranasan para malaman niya kung paano magmahal.


Pero, yuck. Hindi ko maisip na mararanasan ko ang love. 18 na ako pero puro puppy love pa lang ata ang nararanasan ko. Gusto kong namang maranasan pero parang nakakatakot. Love makes people crazy. Love makes them choose their partner over themselves. Parang hindi ko nakikita ang sarili ko na ganoon. Pero okay lang sa akin basta ba pasok sa standards ko. I know my worth, and they should know the value of it if they want to enter my life.


Magdamag akong natulog at gumawa lang ng requirements na kailangan ng ipasa. Hindi ko muna ginawa ang iba pa dahil matagal pa naman ang pasahan. Mahilig akong mag-cram kaya next week ko na gagawin, next week pa naman ang deadline.


Naligo at nag-ayos na ako nang sumapit ang 6 PM. Walang message si Gio sa kahit anong social accounts ko dahil hindi naman namin fina-follow ang isa't isa. At tsaka, dinner ang sabi niya at kitain ko raw siya sa playground. Anong oras ba ang dinner para sa kaniya? 7 PM ang kadalasan na dinner time kaya ganoong oras na lang ako aalis. Baka mamaya ay late siya, ayokong maghintay.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon