11

126 6 0
                                    

From: Kups

Then take the test again but it would be next year.


Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang mabasa ang text ni Gio. Katatapos lang namin mag-exam ng mga kaibigan ko sa UST at sinabi ko kay Gio 'yon. Nag-rant ako sa kaniya na ang hirap pero 'yan ang sinagot niya sa akin. Para naman akong tanga at natawa pa.


To: Kups

Edi ikaw na matalino


Magka-text kami ngayon dahil ang sabi niya magpa-load daw ako dahil sigurado siyang wala akong data at baka raw mabagal pa ang reply ko. Nakakatawa talaga siya sa totoo lang, parang tanga na rin minsan.


Ilang linggo na kaming magkausap at hindi ko rin alam kung bakit nga ba kami nag-uusap. Lumalabas-labas din kami pero mga bilang lang sa kamay at puro kain lang din. Busy na rin kasi kami dahil graduating as Senior high students habang si Gio ay busy dahil siyempre, college na siya.


Kaya nga gabi na lang kami nakakapagusap, eh. Minsan, natutulugan ko pa siya kaya bad trip siya kinabukasan. Mawawala rin naman 'yon.


"Palibhasa, hindi ka nag-exam, e!" sabi ni Zari kay Jayce.


Jayce didn't take the exam. Hindi ko rin alam ang plano nito, e. Kung walang alam si Zari, paano pa ako? Paano pa kami? Mas close siya kay Zari. They were best friends since Grade 6. Kaklase ko si Jayce noon pero hindi kami masyadong close. Sana lang ay nag-aapply talaga 'to ng school para sa college. Para sama-sama kaming lahat!


Napagdesisyunan naming lahat kumain na muna dahil lahat kami ay parang napagod sa pagsagot ng exam kanina. Nahirapan talaga kaming lahat. Magdadasal na lang talaga ako na makapasa ako. Nakasagot naman ako pero ayokong mapanatag dahil ayokong umasa. Pero sige, magma-manifest na ako na Thomasian na ako sa college.


"Ang tagal naman nila. Nagugutom na ako." Reklamo ni Tallie. Nakaupo na kami ngayon sa table at hinihintay na lang sina Zari at Jayce. Libre ni Jayce ang pagkain namin ngayon. Himala nga at nanglibre 'to. Ano kayang meron?


"'Ina mo. Patay gutom." Pang-aasar ni Benj kay Tallie. Nagtawanan naman kaming tatlo nina Benj at Leon.


Tawa lang ako nang tawa sa kanila dahil nag-aasaran na sila. Siyempre, inaasar nila si Tallie at nakikipagsabayan din naman siya. Magsusumbong pa siya sa akin pero ginagatungan ko kaya medyo kawawa siya sa amin. Pero kahit na palagi namin 'yan inaasar, mahal na mahal namin 'yan.


Nag-vibrate ang cellphone ko at kaagad ko iyong tiningnan. Pinigilan ko ang mapangiti ng sobra dahil baka mahalata nila ako. Ang may alam lang naman na may kausap ako ay ang mga babae kong kaibigan. Ang mga lalaki ay hindi pa dahil siguradong uusisain nila at yayayain agad na uminom para kilatisin. Parang tanga, e. Baka mamaya hindi pa nila ma-tripan si Gio lalo na sa ugali ng kupal na 'yon.


From: Kups

Punta ka rito sa bahay


Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Inayos ko pa ang salamin ko kung tama ba ang nabasa ko. At tama nga! Bakit niya ako pinapapunta sa bahay niya?! Ako pa talaga ang papapuntahin niya, ah!


To: Kups

Bakit?


Nag-reply naman siya kaagad.


From: Kups

Gusto kitang makita kaya pumunta ka rito.


Humigpit ang hawak ko sa cellphone dahil sa nabasa. Pinigilan ko ang mapangiti. Bumilis din bigla ang tibok ng puso ko dahil doon.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon